Home » Job Interview Tips Para sa Bagong Graduates (Part 2/2)

Job Interview Tips Para sa Bagong Graduates (Part 2/2)

Hello ulit, fresh graduates.
Musta ang bakasyon?

So, alam mo na ang gagawin mong paghahanda para sa iyong job interview.
Balikan mo lang ang Part 1 ng post na ito kung nalimutan mo na.

Tandaan lang ang Wolverine mindset sa interview, always go for the kill.
‘Wag mag-alumpihit (hesitate) sa sagot.

Pero dapat ding tandaan na laging maging magalang sa pagsagot.
Magkaiba ang confidence sa arrogance.

confidence versus arrogance
paumanhin, kapapanood ko lang kasi ng avengers 🙂
Marvel Avengers Movie

Heto na ang aking mga panukalang sagot sa mga popular na tanong sa job interview:

1. Bakit sa kumpanyang ito ka nag-apply?

Para sagutin ang tanong na ito ay dapat ginawa mo ang iyong homework na i-research ang kumpanyang ina-applyan mo. Sa mga kumpanyang inaplayan ko, inalam ko muna ang nature ng trabaho nila, pati na rin ang pasweldo’t benefits ng kumpanya at schedule ng trabaho.

Malaking tulong sa akin nuon ang mga kilala kong nauna na sa akin na makapasok sa kumpanyang gusto ko pasukan. Inalam ko muna sa kanila kung ano ginagawa nila sa kumpanya at kung gusto ko nga ba mapasok din dito.

Kelangan maging honest sa tanong na ito para huwag magmukhang plastic at fake ang sagot.

Banggitin muna ang mga sariling credentials, experiences o kakayahan na nababagay sa kumpanyang ito. Pagkatapos ay banggitin ang mga benefits na alam mong ibinibigay ng kumpanyang ito sa kanyang mga empleyado.

Bigyang emphasis ang magandang impression mo sa kumpanyang ito.

2. Ano ang maiko-contribute mo sa kumpanyang ito?

Base sa na-research mong impormasyon, sikapin mong i-relate ang iyong credentials sa nature ng trabaho ng kumpanyang ito.

Kung maalam ka sa math, banggitin ang iyong kakayahan sa precision at accuracy kung may kinalaman sa numbers ang pinapasukang posisyon sa trabaho.

Kung dati kang councilor sa student council, pwede mong banggitin ang interpersonal skills mo sa mga tao at team building. You have skills in motivating people to accomplish a task. Pambihira ‘yan, hinahanap nila ‘yan.

Kung dati kang crew sa isang fast food, okay din ‘yan. Efficient ka sa oras at productive even under pressure.

3. Ang kurso mo ay ganyan pero ang trabaho dito ay ganito, kaya mo ba ang trabahong ito?

Medyo nagulat ako nung itanong sa akin ito sa aking interview pero dahil naka-“I Eat Interviewers For Breakfast” mode ako ng araw na ‘yun, ito ang aking sagot:

This type of job is not taught in schools but I believe that I can do this kind of work if you will give me the chance to learn it.

Hindi na ‘yan ang eksaktong word for word kong sagot pero kapareho n’yan ang thought. Walang bagay na hindi natututunan lalo na kung bibigyan ng panahong pag-aralan.

Again, magagawa mo lang makapagbigay ng ganitong sagot kapag alam mo na beforehand kung tungkol saan ang kumpanya.

4. Anong meron sa iyo na wala sa iba? Bakit dapat ka naming i-hire?

Medyo may pagka-trick question ang isang ito. Umiwas sa temptation na laitin ang ibang tao para iangat ang sarili. Kapansin-pansin iyon kung sikretong ini-evaluate din pala ng interviewer ang ugali mo.

Ang pinaka-safe na sagot ay bumalik sa iyong credentials at bigyang emphasis ang magiging benefits sa kumpanya ng iyong mga credentials, skills at experiences.

5. Kung sakaling matanggap ka dito, saan mo nakikita ang iyong sarili 5 years, 10 years from now? Ano na ang na-accomplish mo sa mga panahong iyon?

Bakit itinatanong ang bagay na ito sa interview? Dahil ba concerned sila sa future mo? Pwede.

Pero mas malamang ay gusto nilang malaman kung may interes kang magtagal sa kumpanya o ginagamit mo lang silang stepping stone para sa iyong engrandeng goal na magtayo ng rival na kumpanyang magpapaluhod ng kanilang korporasyon sa iyong harapan.

(Pwede ring gusto nilang malaman kung isa kang taong may pangarap sa buhay at hindi taong kuntento na sa pagsweldo lang tuwing kinsenas.)

So, mag-ingat sa sagot at maging honest, magalang at sincere pa rin.

Pwede mong sabihin na, “I could not say with full confidence as to what or where I would be several years from now. However, I would like to see myself maturing with the company and meeting its expectations of me.”

Paki-ayos na lang ang English ko at medyo kinakalawang na kasi.

Related Article: 10 Tips sa Matagumpay na Job Interview

Ayon.

Sana makatulong ang mga panukala’t mungkahing ito.

Hindi ito foolproof na magga-guarranty sa pagpasa mo sa iyong job interview.
Makakatulong ng malaki sa iyo kung iisip ka rin ng mga maaaring sagot sa mga tanong na maaaring ibigay sa mga interview.

Pagpalain ka sa iyong job hunting.

84 thoughts on “Job Interview Tips Para sa Bagong Graduates (Part 2/2)

    1. mag apply po ako sa bakasyon hindi pa po ako graduate pero magtrbaho ako khit kakayanin ko ang work k ahit ano po gagawin wag lng wileading
      first time ko po magapply khit sa jalibee

  1. hello, ask ko lang po kung anong magandang isagot kung halimbawang bigla kang tinanong nang nag-i-interview nang “anong gagawin ko sayo?” thanks po sa makakatulong.:)

  2. First time ko po mg apply ng Dunkin donuts para sa abroad.din wla po akong experience Nyan.iba kasi yong trabahu ko before,interview ko po sa August 17 2016,anu po dpat ko gawin?

  3. Firsttime kopo mag apply sa Chowking. Kinakabahan po ako. Hindi po ako magaling mag salita at di rin po ako magaling sa Math

  4. Hello po, ano po ba ang magandang isasagot ko kung sakaling itanong sa akin ito,? Bakit kita ihahired?

  5. Halibawa kung ikaw ay gusto mong mag aaply sa ibang bansa ng wiatress anu ang pasible answer sa question na bakit mo gustong mag aaply sa restaurant or company namin..? salamat.

  6. hi good day if ever na nagtanung si interviewer kung anung weakness at strength . ano pong possible na sagot . thank you

    1. banggitin mo lang isang statement ng exacto at tumpak na nagde-DESCRIBE sa sarili mo as the whole thing you saka ka mag-intro ng kurso mo, saan ka ngtapos, kailan ka ngtapos, saan ka nakatira, at experience mo sa work.

  7. ano po bang isasagot pag tinanong kung ano maitutulong. qko sa company as promodizer??
    wala p po kci aqko expirience sa promodixer.

  8. Sir salamat sa article nato, Dahil dito maraming nabubuksan yung isip at nadadagdagan yung lakas loob ng mga Fresh job seekers. sir ang concern ko naman is kailangan ba talagang ma meet mo yung lahat ng list of qualification and responsibility dun sa aapplyan mong trabaho? kasi conscious lang din po ako. 1 year akong tumigil after ng graduation hindi nako nakapag apply sa field of course na napag.aralan ko. so nag.aalangan ako kung applyan ko pa or kailangan ko talaga ng backer para dun sa target kung job. related naman siya sa course ko at may mga tugma naman sa skills ko yung qualifications na hinahanap nila pero wla pa akong job experience. pinu problema ko din yung naka list sa qualification nila my job experience related. pero alam ko sa sarili ko na kayang kaya ko lahat yung mga trabaho. pasyensya na po kung medyo mahaba kwento ko. anu po masasabi nyo ?

    1. hello, john. ang masasabi ko lang eh mag-apply ka pa rin regardless of kung ano man yung nakasulat sa qualifications or requirements na isinulat nila. mag-apply ka pa rin. kahit sinabi pa nilang 6 foot 2 inches ang minimum height na hinahanap nila, mag-apply ka pa rin.

      ang worst lang na pwede mangyari sa pag-apply mo is yung hindi pansinin yung resume mo at hindi ka makapag-trabaho sa kanila. pero i’m sure handa ka na sa possibility na yun. ang sayang eh yung possibility na pansinin nila ang resume mo despite na hindi mo na-meet lahat yung hinahanap nila.

      wag ka nang magpatumpik-tumpik. apply na!

  9. Ano pong isasagot ko pag tinanong ako sa “bakit kita kailangang i hire dito?” at saka “anong meron ka na wala sa iba” nahihirapan po kasi ako sa tanong na yan. Salamat Godbless.

      1. Thank you so much po sa tips na ito, sana next sem makapasok ako ng Publication Team namin sa school :))) Question po! Paano pagtinanong ka naman po kung sakali na “Anong mararamdaman at magiging reaksyon mo pag sinabihan ka ng iba na “Ang pangit ng gawa mo” o parang hindi nila naappreciate kaya nilait nila” Can you give me the best answer for that po??? Thanks ^_^

        1. For me, you have to accept that kasi parte yan ng improvement. Sa mga magiging feedback ng nasa paligid mo (negative man or positive), magiging benefit ito para malaman mo kung kailangan mong magimprove or mag-excel. 🙂

        2. sabihin mo, “I will accept it us a challenge to further improve my skills. I will also try to show my appreciation for the honest opinion of whoever it is that criticized my work.”

          1. salamat sa mga tips. pde mo ba ako bigyan ng ibang tip dhil wla pa akong karanasan na khit anong trabaho at undergrad lng dn ako. slamat sa reply pki email nlng ako venzdarwin5@gmail.com pg my time ka thanks again!

            1. Thankyou sa mga tips mo makakatulong to sakin lalo nat wala pa kong jon experience maraming salamat

  10. hello po ngandahan po aqu sa post nyo very helpful po matanong qu lng po kung meron pa po kau iba job interview question na ndi po nbanggit sa taas gusto qu pa po kc malaman yun iba pa po questions na posible pa po itanong sa interview thank you po sa sagot

    1. yung mga nakasulat na sa itaas ang mga pinakamadalas na itanong. minsan nagtatanong din sila ng mga bagay tungkol sa `yo gaya ng hobbies mo or past work experiences mo. pwede ka rin tanungin tungkol sa mga personality traits mo. basta answer as honest as possible na hindi masa-sacrifice yung prospect mong ma-hire.

  11. Hi! Maraming salamat dito ha? Nagsesearch ako ng mkita ko to. Actually nag pe prepare ako s interview ko s Thursday at dahil n visit ko to malaking tulong to sakin! Maraming thankyou!! ^_^

  12. anu anu po b ang sales inventory ng promodiser at paanu po b ang pg inventory?4 years po ako nbkante at ngaun lang po ako nkpg aply.ng karon po kc problema ung b-crtifcte qu kea un po ang nagpatagal sa pg aply qu.ngaun po almost 1mant na po ako nag aaply pero hnd po ako mtanggap tnggap.lge nla ako ina asighn sa promodiser or sales clerck.probz po eh uala pa po ako xperience.

    1. mas maganda po cguro is dun nyo itanong sa employer kung ano yung gagawin sa inventory ng promodiser. sila po ang mas nakakaalam…

      di naman gaanong mahirap ang inventory, iche-check po ninyo yung material supply nung kumpanya. tuturuan naman kayo sigurado kapag natanggap na kayo. madali lang po iyon matutunan.

  13. Thank U po sa pgsgot sa aking ktanungn. s totoo lng po kc sa ngaun auq muna mgturo. plan q kc after nlng mkapasa aq Ng board .

  14. Helo po wla p po aq experience s work..graduate po aq ng elementary education ,ngpasa po aq ng resume sa mga companies n my hiring.my isa ngtxt skin. cashier kelangn nila.qualified po b aq dun?kinakbhan kc po aq sa interview eh.

    1. kung hindi ka maselan, qualified ka sa posisyon na yun at hindi naman siguro ganun kapormal ang interview dun. pero ituloy mo pa rin mag-apply ng trabaho na angkop sa tinapos mo.

    1. hello, dencio. salamat sa pagdaan dito. tungkol sa pag-welding, wala pa po akong experience sa bagay na ito at wala akong maipapayong sagot na specific dito.

      pero generally, sa mga ganitong klaseng tanong, ok lang po maging honest at sincere sa inyong sagot. sabihin n’yo na lang po sa pinakamagalang na paraan kung ano ang ayaw at gusto ninyo sa isang bagay.

      kung kagaya ko na wala kayong masyadong nalalaman sa bagay na itinatanong, mag-apologize na lang kayo at maging tapat sa nagi-interview na wala pa kayong masyadong experience sa bagay na iyon kaya wala kayong maisasagot na malinaw sa kanya.

    1. huwag kang sumuko. may mga kilala ako na inabot ng isa o dalawang taon bago nakahanap ng trabahong gusto nila pagkatapos ng graduation or board exam.

      find improvements sa iyong resume at presentation ng sarili.

  15. Pwede po pahelp..kase po 3 years po akong unemployed. sa 3 years po na yn madami na dn po ako napag pass-an ng resume pero hnd po ako natatanggap or tnatawagan.. May nakapag sabi po kasi sa akin na kaya hnd po ako natatanggap kase ganun daw po ang sinasagot ko sa interview,.. ano po ba tamang sagot? Thank you po.

    1. hello, anna. naitanong mo ba dun sa nagsabi sa iyo kung paano ang alam n’yang tamang pagsagot? subukan mong maging relaxed, confident (hindi mayabang), at magkaroon ng presence of mind para hindi ka ma-off guard sa mga pwedeng itanong.

      pwede mo rin subukan yung mga speech courses para magkaroon ng confidence sa pagsasalita lalo na sa english. i-review mo rin yung resume mo kung paano mas mapapaganda yung presentation.

      wag kang masisiraan ng loob, humanap lagi ng paraan kung paano ma-improve ang dapat i-improve 🙂

  16. Ngayon ang first interview ko sa QC. At binasa ko pa talaga ‘to before ako umalis. Goodluck sa akin. Salamat sa post na ‘to. Helpful =)

      1. Actually, hindi e. Sa final interview na ko nadali. Ang daming exams ang pinagdaanan ko, then actual.. hanggang nung final interview..I failed! Pero, that’s my first time. Babawi ako sa susunod.

        1. sana mai-share mo rin balang araw sa amin ang experience mo tungkol sa job interview o application in general para makatulong sa iba. pero take it as a learning experience. kaya mo ‘yan 🙂

          1. Yes I will. Looking forward sa mga magaganap pang pag-aaply. Salamat rin sa post na ‘to. Tinandaan ko talaga yung mga tamang pagsagot sa mga tanong. Pero sa isang interview, the best parin ang pagiging relax, compose and be yourself. =)

    1. hello cheese, makatulong nga sana ang mga tips na isinulat ko dito hehe

      paumanhin sa pag-edit ko sa iyong comment, pinangangatawanan ko lang ang PG-13 self-regulation ng site na ito. patawad po. pero ngayon ko lang nalaman na ganyan pala ang naii-spell ng initials ng pangalan nila 😀 patawad po ulit.

  17. great tips ulit RP!

    pero infernez, kakadistract ang mga poging sampols mo sa taas, wala kasi katulad ng mga yan sa paligid ko… puro taga Bollywood, LOL peace! 🙂

  18. Kung kamukha ni Thor ang aplicante, tingin ko maguguluhan ang interviewer lalo na’t girl or pa-girl, kung confidence or arrogance ang pinapakita. 😀

    1. ahahahaha, agreee! baka magpaautograph o papichur muna ako bago ko sya interbyuhin, hihihihihi 🙂

    2. Kung si Thor ang applicant, baka kahit magulo ang qualifications, basta nagsalita na… “You’re Hired!” na ang sigaw ng employer. 😛

    3. parang may nabasa na akong kuwentong ganyan dati eh, yung aplikante eh walang kaalam-alam gawin tapos sulat-kamay lang yung resume n’ya pero yung kalakip na picture ng resume eh picture n’ya sa swimming pool tapos malaki ang katawan n’ya at maganda ang hitsura. tinanong agad s’ya ng HR kung kelan s’ya pwede mag-umpisa 😀

  19. galing ha… no wonder nakuha mo agad ang trabaho… wag din nating kalimutan ang phone interview. Employers often want to catch you off guard, kasi mas honest ka pag comfortable ka.

    i am more comfortable over the phone kasi di nila ako nakikita… (pwede ko silang murahin pag gusto ko>>> joke!)

    another thing, your resume / CV. You have no idea how irritating it is to see not-well-written resume. Dun pa lang tyak, bagsak ka na. Your resume reflects you, kaya dapat gandahan natin. Make it aligned, well-written – check your spelling and grammar. My boss throws resumes that he can’t understand… he’s not going to waste his time trying to decipher it. First impressions last… stand-out!

    1. ok yang mga tips mo, laddie. importante nga ang resume. bago pa makakuha ng exam o interview, unang-unang titingnan ay ang resume. dapat yata eh mag-post na rin ako ng paano magsulat ng resume hehe

      1. Hihintayin ko yan… I always look online for CV formats to improve my resume… hahahah! :)) naghahanap ng bagong work! 😛

            1. Ah, my alam po ba kayo kung ano ang mga part-time job na meron sa jollibee, gusto ko po kase na subukang magtrabaho

              1. Sir,my interview kme s skul q s kursong comcsie(COS) Anu po mdalas itanung s amin my knalaman po b s kurso.anu po b tama sagot slamat po.

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading