Site icon The Pinoy Site

Job Interview Tips Para sa Bagong Graduates (Part 2/2)

Hello ulit, fresh graduates.
Musta ang bakasyon?

So, alam mo na ang gagawin mong paghahanda para sa iyong job interview.
Balikan mo lang ang Part 1 ng post na ito kung nalimutan mo na.

Tandaan lang ang Wolverine mindset sa interview, always go for the kill.
‘Wag mag-alumpihit (hesitate) sa sagot.

Pero dapat ding tandaan na laging maging magalang sa pagsagot.
Magkaiba ang confidence sa arrogance.

paumanhin, kapapanood ko lang kasi ng avengers 🙂
Marvel Avengers Movie

Heto na ang aking mga panukalang sagot sa mga popular na tanong sa job interview:

1. Bakit sa kumpanyang ito ka nag-apply?

Para sagutin ang tanong na ito ay dapat ginawa mo ang iyong homework na i-research ang kumpanyang ina-applyan mo. Sa mga kumpanyang inaplayan ko, inalam ko muna ang nature ng trabaho nila, pati na rin ang pasweldo’t benefits ng kumpanya at schedule ng trabaho.

Malaking tulong sa akin nuon ang mga kilala kong nauna na sa akin na makapasok sa kumpanyang gusto ko pasukan. Inalam ko muna sa kanila kung ano ginagawa nila sa kumpanya at kung gusto ko nga ba mapasok din dito.

Kelangan maging honest sa tanong na ito para huwag magmukhang plastic at fake ang sagot.

Banggitin muna ang mga sariling credentials, experiences o kakayahan na nababagay sa kumpanyang ito. Pagkatapos ay banggitin ang mga benefits na alam mong ibinibigay ng kumpanyang ito sa kanyang mga empleyado.

Bigyang emphasis ang magandang impression mo sa kumpanyang ito.

2. Ano ang maiko-contribute mo sa kumpanyang ito?

Base sa na-research mong impormasyon, sikapin mong i-relate ang iyong credentials sa nature ng trabaho ng kumpanyang ito.

Kung maalam ka sa math, banggitin ang iyong kakayahan sa precision at accuracy kung may kinalaman sa numbers ang pinapasukang posisyon sa trabaho.

Kung dati kang councilor sa student council, pwede mong banggitin ang interpersonal skills mo sa mga tao at team building. You have skills in motivating people to accomplish a task. Pambihira ‘yan, hinahanap nila ‘yan.

Kung dati kang crew sa isang fast food, okay din ‘yan. Efficient ka sa oras at productive even under pressure.

3. Ang kurso mo ay ganyan pero ang trabaho dito ay ganito, kaya mo ba ang trabahong ito?

Medyo nagulat ako nung itanong sa akin ito sa aking interview pero dahil naka-“I Eat Interviewers For Breakfast” mode ako ng araw na ‘yun, ito ang aking sagot:

This type of job is not taught in schools but I believe that I can do this kind of work if you will give me the chance to learn it.

Hindi na ‘yan ang eksaktong word for word kong sagot pero kapareho n’yan ang thought. Walang bagay na hindi natututunan lalo na kung bibigyan ng panahong pag-aralan.

Again, magagawa mo lang makapagbigay ng ganitong sagot kapag alam mo na beforehand kung tungkol saan ang kumpanya.

4. Anong meron sa iyo na wala sa iba? Bakit dapat ka naming i-hire?

Medyo may pagka-trick question ang isang ito. Umiwas sa temptation na laitin ang ibang tao para iangat ang sarili. Kapansin-pansin iyon kung sikretong ini-evaluate din pala ng interviewer ang ugali mo.

Ang pinaka-safe na sagot ay bumalik sa iyong credentials at bigyang emphasis ang magiging benefits sa kumpanya ng iyong mga credentials, skills at experiences.

5. Kung sakaling matanggap ka dito, saan mo nakikita ang iyong sarili 5 years, 10 years from now? Ano na ang na-accomplish mo sa mga panahong iyon?

Bakit itinatanong ang bagay na ito sa interview? Dahil ba concerned sila sa future mo? Pwede.

Pero mas malamang ay gusto nilang malaman kung may interes kang magtagal sa kumpanya o ginagamit mo lang silang stepping stone para sa iyong engrandeng goal na magtayo ng rival na kumpanyang magpapaluhod ng kanilang korporasyon sa iyong harapan.

(Pwede ring gusto nilang malaman kung isa kang taong may pangarap sa buhay at hindi taong kuntento na sa pagsweldo lang tuwing kinsenas.)

So, mag-ingat sa sagot at maging honest, magalang at sincere pa rin.

Pwede mong sabihin na, “I could not say with full confidence as to what or where I would be several years from now. However, I would like to see myself maturing with the company and meeting its expectations of me.”

Paki-ayos na lang ang English ko at medyo kinakalawang na kasi.

Related Article: 10 Tips sa Matagumpay na Job Interview

Ayon.

Sana makatulong ang mga panukala’t mungkahing ito.

Hindi ito foolproof na magga-guarranty sa pagpasa mo sa iyong job interview.
Makakatulong ng malaki sa iyo kung iisip ka rin ng mga maaaring sagot sa mga tanong na maaaring ibigay sa mga interview.

Pagpalain ka sa iyong job hunting.

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version