Matuto Kang Lumandi

Advisory: Paumanhin sa mga gals, for the boys muna ang aking post ngayon pero pwede n’yo itong i-forward o i-share sa mga kilala n’yong lalake. (Kung sa tingin n’yo useful 🙂 )

Ang post na ito ay dini-dedicate ko sa lahat ng mga batchmates kong lalake na single pa rin hanggang ngayon.

********************************************************************************
********************************************************************************

Pare ko, pasensya na sa sasabihin ko.
Wala akong intensyong makipag-basag-ulo.

Naalala ko lang kasi…
Araw na naman pala ng mga puso at…

at…

…single ka pa rin.

Pero alam ko naman, cool ka lang ‘di ba?
So what, ‘di ba?
Eh ano ngayon, ‘di ba?

Matagal ka ng single at hindi ka na affected.

Gastos lang ang lovelife.
Marami ka pang dapat gawin na mas importante.
Ine-enjoy mo pa ang blessedness ng singlehood.

Tama. Tama ka d’yan.

Napansin ko pala, kumpara 10 years ago, padami yata ng padami ang mga magagandang kadalagahan sa atin. Napansin mo rin ba? Hindi? Talaga?

Mas marunong na sila mag-ayos ng sarili.
Mas marunong na sila magdala ng fashionable na damit.

At hindi lang sila magaganda, may mga pinag-aralan at may trabaho pa. Pero sa estado mo ngayon, alam ko naman hindi mo masyadong iniisip ‘yan. Darating din ang soul mate mo sa tamang pagkakataon, ‘di ba?

Sabi nga pala sa estimate ng gender ratio eh hindi naglalayo ang dami ng mga lalake at babae kaya hindi natin masasabing merong kakulangan sa dami ng mga Pilipina. (Source)

Pero sa kabila ng pagkalat ng mga available at eligible bachelorettes, marami pa ring gaya mo na nasa tamang edad na (35 years old above) ang single pa rin hanggang ngayon.

Hindi ka naman bading.
May hitsura ka naman.
May maganda ka namang trabaho.
Interesting ka naman pag nakilala.
Mabait ka naman at maginoo.

So, ano ba ang problema? Oo nga pala, wala namang problema…

Pero ito ba ang uso ngayon? Magpakatandang binata? Magpaka-All by Myself?

Hindi ko naman tinatawaran ang dahilan mo sa pagiging single at alam ko namang maraming pwede at valid na dahilan para maging single ang isang middle aged na lalake. Walang sinuman ang maaaring humusga sa dahilan mong iyon.

Pero dahil pakialamero lang talaga ako (sa mga taong may malasakit ako) eh pwede ko bang ibahagi ang aking hamak na opinyon? Ano? Sigurado kang ayaw mong malaman?

Ganito kasi ‘yun eh, meron kasi akong suspetsang isa pang dahilan sa pagiging single mo.

Katamaran…

Tamad ka, kaya single ka pa rin.

Ops, ops, sandali lang, ibaba mo muna ‘yang hawak mong pamalo. Sabi na sa ‘yo ‘di ako naghahanap ng away eh. Nagse-share lang ako ng opinyon.

Alam mo, sa tingin ko kasi, marami sa mga matinong kalalakihan na kagaya mo ang tinatamad.

Tinatamad manligaw.
Tinatamad sumubok.
Tinatamad mag-isip ng approach.
Tinatamad gumastos.

Pero higit sa lahat, tinatamad lumandi.

Tama, lumandi.
Kelangang lumandi ang isang tandang para maka-bingwit ng inaheng manok.
Kelangang lumandi ang lalaking pusa para maka-score sa babaeng pusa.

Pero ang tinutukoy ko eh ‘yung pantaong landi.
Hindi landing panghayop.
Landi na pang-disenteng lalake.
Let me elaborate.

Tingnan natin ang pagkakaiba ng disenteng lalake na tamad kumerengkeng at ng disenteng lalake na marunong lumandi…

Kita mo naman ang resulta ‘di ba? Dahil sa katamaran, tinatapos mo yung lahat ng tsansa na inilalatag ng tadhana para sa ‘yo.

Pero tingnan natin ang ibang metodolohiya. Subukan mong lumandi ng konti…

Nakuha mo ba ‘yung gusto kong sabihin?

So kung ikaw na isang disenteng lalake ay nagtataka kung bakit pumapatol ang mga matinong babae sa mga may asawa na, sa mga total jerk, o sa mga chickboy-chikboyang sons of satan (term na gamit ni Manix Abrera) eh baka dahil isa ka na rin sa mga may kasalanan.

Kung marami lang sanang disenteng lalake kagaya mo ang magsisipag na manligaw sa mga matitinong kababaihan ng ating bayan eh di hindi sana napariwara ng landas ang maraming kadalagahan sa ating bansa.

Ayon, nasisi ka pa tuloy.

So, bilang unsolicited advice mula sa isang pakialamerong nagmamalasakit, bakit ‘di mo subukan lumandi?

Matuto kang lumandi.
Yung disenteng landi.
Yung pantaong landi.

Huwag mo namang landiin lahat ng kababaihang makita mo.
Hayop lang ang gumagawa nu’n.

Landiin mo lang yung special someone na hindi mo magagawang lokohin.

Tandaan mo, pare…ANG TUNAY NA LALAKI, MARUNONG LUMANDI.



Categories: Halu-halo, Komiks

Tags: , , , , , , , ,

36 replies

  1. indi naman kasi porket single..ay tamad na..ang iba naman..single sila kasi pagd na sila masaktan

  2. Adrian Pantonial – Emotional Intelligence Consultant. Events Host. Writer and Editor. www.adrianpantonial.com www.facebook.com/hostforallseasons www.youtube.com/adrianpantonial

    Nabitag ako ng “paglandi” mo bro sa blog title. Hehe! Naaliw ako sa interesante at kwela mong presentasyon.
    Sang-ayon ako, matututong lumandi sa “wastong paraan.” Hehe!

    Kaya, bro, lumandi ka na rin ha? At balitaan mo ako pag “in a relationship” ka na. Hehe! 😀

    • ResidentPatriot – Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

      uy, salamat sa pagbabasa, adrian 🙂 may asawa’t anak na ako kaya di na pwede lumandi hehe

      • Adrian Pantonial – Emotional Intelligence Consultant. Events Host. Writer and Editor. www.adrianpantonial.com www.facebook.com/hostforallseasons www.youtube.com/adrianpantonial

        Oo nga pala. Nabasa ko uli yan sa kwela mong introducation. I’m sorry. Nagkamali ako ng intindi dun sa dedication mo para sa mga “batchmates mong single pa rin hanggang ngayon.” Hehe!

  3. binky – A blogger, writer, reader and a friend. "Journey to life is more enjoyable when shared."

    Flirt with respect… 🙂 ayeiiiiii!

  4. Ouch! Hahaha.
    Kaya naman ako single kasi gusto kong libre akong laging pantaong lumandi ng walang pagiimbot at pagaalinlangan. 😀

  5. Kadalasan hindi naman tinatamad din…. Kulang lang ng lakas ng loob at confidence. Meron kasing confident kahit mukhang utot pero may mukhang anghel naman na feeling niya mabaho siya… hehehe

  6. potsquared – Tokyo, Japan – Jack of all trades, master of none...

    Tama! Matuto tayong lumandi… Pakiramdam ko tuloy napakalandi ko…

  7. sa saliw ng awit – philippines – Dadaanin na lang muna sa paghimig-himig.

    hello, RP… gusto ko ang drowings mo rito – ang galing. peyborit ko ang malanding guy, ahaha. sya na ang maraming natsa-charm… parang pinangarap mong maging ganyan no’ng araw? btw, ikaw ba ang nasa likod? 😉 parang it’s you – mukhang proper and tamed, harhar… cheers! 🙂

    • ResidentPatriot – Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

      hello, ate san…salamat sa pagbabasa at compliments, oo ako nga yata yung nasa likod na nag-iisip hehe nung bata-bata pa kasi ako eh isa sa mga misteryo ng buhay sa akin kung paano nagkaka-lablayp ang mga tao lalo na yung mga “bad boy” kung tawagin.

      ngayon, alam ko na hehe pero ‘di ko naman pinangarap na mangolekta ng babasaging puso (naks, makata!) faithful at loyal ang inyong lingkod sa isa lang hehe

  8. buhayletra – nice and simple

    hahahaha…tama nga naman.

    galing mo talaga sir!

  9. cheesecake – Philippines – intellectual, sensible, disorganized, generous, critical, friendly, loyal, obsessive, compulsive, introvert, lazy. programmer, husband, father, gamer, future millionaire.

    marunong din ako pero hindi ko na ginagamit ahaha

  10. haylavet! haha! maporward nga to sa mga barkada kong singgol, 🙂

  11. renxkyoko – I'm a molecular Biology and Forensic Biology graduate, and is currently working as a microbiologist at a dairy company. I have not stopped dreaming of playing in a symphony orchestra as a violinist. Maybe in my next life.

    Landi=flirt ?

    In japan, the cold guys are called tsundere. I like the tsundere guy. The flirts turn me off, and I usually stay away from them. Ah, I don’t know.

    Cheers !

    • ResidentPatriot – Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

      in its strictest form, yes, landi would be flirt in english…but in this post, it’s more like “wooing”.

      unfortunately for men, we have to learn this skill of wooing women as we grow up. some learn it late than others. nevertheless, it should be learned one way or another. i am promoting the decent and proper way of wooing.

      i know that “cold” guys may look like cool for highschool girls or in movies and comics but in the real world, many japanese girls realize when they grow up that they prefer the foreign culture of men pursuing the women…that’s what i have observed here 🙂

  12. mrbeancent – Manila. Philippines

    Mukhang ako yung nasa unang kategorya. Tamad kasi talaga ako sa lahat ng bagay. Pero di naman ako single. Hehehe =) Happy Valentine’s Sir Patriot =)

  13. sad but true –tamad na talaga ang mga lalake ngayon hehe

  14. zezil – I love meaningful conversations, pancakes, jollibee brewed coffee, and mixed kimchi! My wordpress account: randomvignettesdotcom.wordpress.com

    very nice post, natuwa ako. piprint ko to!!! hahaha. 🙂

    • ResidentPatriot – Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

      salamat nagustuhan mo at ipi-print mo pa talaga ha? hehe belated hapi valentine’s…

      • zezil – I love meaningful conversations, pancakes, jollibee brewed coffee, and mixed kimchi! My wordpress account: randomvignettesdotcom.wordpress.com

        Yep, very informative in a magalang way. 🙂 (bibigay ko ke crush, joke.haha)

  15. natuwa naman ako dito. pero tama dapat matutong lumandi yung pantaong landi. =D

Leave a ReplyCancel reply

Exit mobile version
%%footer%%