Home » ‘Wag Lang ‘Di Makapag-Rebelde

‘Wag Lang ‘Di Makapag-Rebelde

Naaalala mo pa ba ang kabataan mo?
Parang ang sarap mag-rebelde noon, ‘di ba?
‘Yun bang ipapakita mong iba ka sa lahat, hindi ka sumusunod sa kalakaran.
Proud ka pa minsan ‘pag alam mong hindi normal ang ginagawa mo.
Kakaiba ka.

Pangkaraniwan lang siguro sa paglaki ang damdaming mag-rebelde.
(‘Wag lang aabot sa puntong gusto mo na maging NPA o makipaghabulan sa mga pulis)

Kagaya ng munting ibon na tumatalon mula sa mataas na pugad para matutong lumipad.
O gaya ng batang tigre na humaharap sa dambuhalang elepante para matutong lumaban.
Tayo mang tao ay sinusukat ang sarili nating kapasidad.

Sinusuong natin ang mga sitwasyong hindi natin alam ang kalalabasan.
Tinatahak natin ang mga kalsadang hindi alam kung ano ang patutunguhan.
At minsan pa nga ginagawa natin ito kontra sa abiso ng mga nakatatanda.
Nung mga mas marami na ang nalalaman sa buhay.

accreditation
isang editorial cartoon na ginawa ko noon tungkol sa pagtatakip ng flaws ng aming eskwelahan para lang tumaas ang rating nito sa school accreditation…

Ang pagre-rebelde ay may dala-dalang hindi mabuting kahulugan.
Subalit ang pagre-rebelde ay isang paraan para kilalanin ang sarili.
Para malaman kung ano ang iyong personal preferences sa buhay.
Para malaman mo kung ano ang kaya mo at hindi.
Dapat yata talaga nating daanan ito para matuklasan ang ating personal identity.

Iba-iba din ang paraan natin sa pagiging rebelde.
Para sa akin, isang paraan ay ang pagtaliwas sa pangkaraniwan.

Pero ano na nga ba ang pangkaraniwan?
Sa dami ng kabaliwang ginagawa ng mga tao sa panahong ito,
ang hirap na yata maintindihan kung ano ang “pangkaraniwan”.

Pero kung kokontra ako sa gawi o kaugalian ng mga tao sa aking paligid,
iyon ay isang paraan ng pagre-rebelde para sa akin.

Kaya kung maraming kalalakihan ang umiihi sa pader,
rebelde ako kung iihi lang ako sa banyo.

ghostfighter
isang strip na ginawa ko noon gamit ang mga karakter ng ghostfighter…pinapatamaan nito ang scripted na isasagot ng mga isu-survey na estudyante para sa school accreditation

Iba’t iba ang pagpapahayag natin ng pagiging rebelde.

Merong cute
– mga kakaibang kolorete sa daliri
– paglalagay ng kakaibang mga keychain sa bag o celphone
– kakaibang kasuotan

Merong agaw-pansin
– kulay orange na buhok
– mga tingga sa mukha
– tattoo

Meron ding mga patago, mga pasaway, mga delikado at yung iba ay nasa
level na ng pagiging salot at peste ng lipunan.

teachers meeting
isang strip na bina-blind item ang isang teacher na naningil ng mahal sa mga handout photocopies

Pero madalas ay magastos maging kakaiba.
Kailangan ng pera para mai-express ang personal na rebelyon.

Nung college ako, dahil mahirap lang kami, dinaan ko lang sa mga drawing ang pagiging rebelde ko.

Kasama sa post na ito ang ilang mga drawing ko para sa school publication namin noon.
Tinutuligsa ko sa mga drawing na ito ang mga napansin kong mali sa aming paaralan.

Walang pinatawad, mula school administration, teachers, guards hanggang kapwa estudyante ay tinuligsa.

Yung iba na-publish, yung iba hindi.
Mabuti na lang at hindi ako napahamak sa mga drawing na ito.
Natakot siguro ang editor in chief ng aming school magazine na ilabas ang iba sa mga ito.

Hindi hamak na perwisyo sa akin at sa aking mga magulang kung sakaling na-kick out at na-blacklist ako sa ibang eskwelahan dahil sa mga drawing na ito.

Hindi ko agad naisip ang mga bagay na iyon nung panahong ginawa ko ang mga ito.

school guards
pamumuna sa walang habas na tuition fee increase at sobrang higpit na mga guard na pati paglakad sa loob ng campus, sinisita…bawal ang jaywalking sa loob ng campus noon

Sa pagre-rebeldeng ginawa ko, meron bang nabago?
Hindi ko alam…

Meron ba akong naimpluwensyahan?
Hindi ko rin alam…

Pero sa pamamagitan nito, nalaman ko ang mga hangganan na dapat kong itakda para sa aking sarili. Para sa sarili kong kapakanan at kapakanan ng mga umaasa sa akin.

student council
pagpuna sa maagang pagkatuto ng mga estudyante sa dirty politics…

Sa mga feeling cool sa pagre-rebelde at nagsisimula pa lamang tuklasin ang tunay na sarili,
hayaan n’yong ibahagi ko ang mga tips na ito:

1. Huwag ilagay ang sariling buhay at/o kinabukasan sa peligro
2. Gayundin, huwag ilagay ang buhay at/o kinabukasan ng ibang tao sa peligro
3. Irespeto ang karapatan ng iba (lahat tayo may feelings)
4. Sumunod sa batas (huwag maging salot ng lipunan!)
5. Panindigan ang mga resulta ng sariling desisyon

Ang pagtaliwas sa karaniwan ay hindi nangangahulugan na sisirain mo na ang buhay mo.
Puwede kang mag-rebelde na nananatili pa rin sa tama, konting creativity lang ang kailangan.

puppet student
feeling ko noon, kumakain ng pera ang school admin namin at meron silang mga alagang estudyante na sunud-sunuran sa kanila…

Maligayang pagre-rebelde (pagtuklas ng sarili) sa inyong lahat.

35 thoughts on “‘Wag Lang ‘Di Makapag-Rebelde

  1. hello, RP… ang ganda ng post mong ito. very reasonable, ‘ika nga… naibigan ko ang point mong ang pagiging rebelde ay isang pagtuklas sa sarili at hindi ito dapat destructive sa pamilya at sa sarili… 🙂

    ahaha, paano ba? noong araw, as in my kabataan years, di naman ako nag-hairdo o damit o nail polish na kakaiba. very conformist ang lola mo kung sa itsura – i did as the next person… pero in terms of ideas, pasaway, rebelde… pero iyon ang itinuturo noon sa UP so, di rin masabi kung pagre-rebelde ba yon or going with the times, hehe… ^^

    nonetheless, i would say that creativity, artistry and rebelliousness go together. kung wala nito, it would be a very dull and unchanging world. and it is an ongoing process – as one tries to find his or her place in the world, he challenges it – its perceptions, norms and mores. and being a rebel has its price, consequences and yes, even responsibilities.

    some people do find their place just in time. some, earlier. some, later… for some, they haven’t. but the search continues as the individual tries to locate himself in this messed-up, lonely and crazy world, hehe… happy weekend, bossing. 🙂

    1. ang saya ko naman at may post akong nagandahan ka, ate san hehe mabuti na lang talaga at hindi ako napapunta sa UP nung college dahil baka hindi ako nakatapos ng pag-aaral at namundok na lang ako o baka pagsusunog ng effigy ang inatupag ko sa kolehiyo hehe

      okay yung pagiging non-conformist na pino-promote nila sa UP pero depende sa kabataan na binibigyan ng ganitong turo kung paano ito tinatanggap at isinasa-pamuhay…may mga kabataang (gaya ko dati na) hindi agad naiisip kung ano ang sobra na at nakakapahamak na ng sarili. minsan akala nila genius silang lumalabag ng mga established na batas para gumawa ng mga pagbabago pero nagiging salot na pala sila sa lipunan. ganyan ang tingin ko sa ilang mga aktibistang laman lagi ng mga rally-rally at riot. (pero ginusto ko ring mag-rally-rally nuon hehe)

      naniniwala ako sa prinsipyo ng non-conformity. hindi sa lahat ng pagkakataon ay magandang gumaya sa iba, kailangang mag-isip para sa sarili…at tama nga, tuloy lang ang pagtuklas sa sarili hangga’t nabubuhay 🙂 maraming salamat sa comment na puno ng wisdom…

      1. OA ka, marami ka namang magagandang posts, kapatid. ahaha, pasaway ka ba talaga dati? ba’t ka naman mapapahamak kung nag-UP ka? okey lagi ang tsansang makapag-aral sa UP, I would say… medyo iba talaga ang turo ro’n, pang-elite, kumbaga… the institution wants to produce the best – rebelde man o diktador at tagataguyod ng unfair na sistema, hihi. ^^

        so, palagay ko, hindi ka outright na mapapahamak roon. ang dami ring itinuturong about rationalism and pagtataguyod ng status quo, maniwala ka, hihi. at araw-araw idinidikdik ang value ng excellence sa mga estudyante. so, kumbaga, nasasa-estudyante na lang if he’ll be excellent just for himself or also for others. ayon…

        hmn, deviants na harmful na sa lipunan? palagay ko, mas kokonti naman ang ganoon. habang tumatagal, activists also realize their limits – na hindi puro rallies at bandera at sigaw-sigaw lang. may constructive part din wari ang activism – it isn’t just about bringing everything and everybody down, not just about mouthing slogans and criticizing situations. at the end of the day, it’s still about bringing forth better lives for the people. sa umpisa, mas criticism and complaints and ibagsak this and that. pagtagal, lampas na ro’n, i guess… ^^

        mas mabuting may mga nagre-rebelde lagi. at mabuti ring ang mga tao ay dumadaan sa yugtong nagri-rebelde. otherwise, changes will come very slowly or not at all… sa tao, bilang individual, it’s good that he has the rebellious part. that would make him see himself in other, better lights – mga kakulangan, kahinaan at dapat pang ayusin… ^^

        happy wekend, RP. keep well. 🙂

        1. kung ganun pala, dapat gawing common standard sa lahat ng paaralan sa pilipinas ang standards ng UP…kulang na kulang ang mga pilipino sa inspirasyon na i-pursue ang excellence sa anumang larangan na kinaroroonan nila. dito sa japan, yan ang mind set ng karamihan sa mga tao. batang bata pa lang sila, excellence na ang isinasaksak sa utak ng mga bata. hindi nga lang maganda minsan ang resulta sa tao dahil sa pressure ng lipunan…

            1. ahaha, kung makalait ka naman sa sarili mo…pero mahilig ka rin sa comics kaya sigurado ako may naiintindihan ka sa art lalo pa nasa photography ka rin, dun naman ako walang ka-talent-talent, as in zero.

              mas artistic pa kumuha ng pic yung pamangkin kong 5 years old hehe

              1. Oo! Napakahilig ko sa comics! Magpasahanggang ngayon.. Dati rin local comics ang kinokolekta ko.. Funny comics, shocker, bata-batuta, yung nga ganyang tipo tapos na punta sa pugad baboy then marvel comics…

                Nilait mo rin ang sarili mo sa pagkuha ng picture.. Kapag pangit ang kuha ko, sinasabi ko na kasalanan ng camera.. Ehehehehe

  2. ok lang naman magrebelde but you have to accept the consequence, minsan kasi ang tao padalospalos hindi mag iisip kung ano ang kalalabasan.

  3. I’d like to take this as not rebelling, but trying to live outside the box. It’s alright to try new things, as long as it’s not going to harm anyone else, and yourself. There’s a reason why it is the norm… it is safe and it is correct. But it’s true it’s not only the correct path. Otherwise, there won’t be any new discoveries if we stay on one straight line. There’s always a new whole world out there.

      1. I brag that can understand, but since I started reading Filipino blogs , I found myself lacking. I could barely understand , some not even one Tagalog word. I left when I was 6, RPatriot, so I was clearly lacking in vocabulary. But your post is easy to understand, but I highly doubt I can write in tagalog.

  4. rebelde din siguro ako pero hindi naman sa magulang o pamilya. Mas rebelde ako sa trend o talagang natural na kakaiba lang personality ko. Hindi ko naman sinadya na anime ang magustuhan ko kaysa mga kilig-kiligan love teams and drama-dramahang telenobela.

    sa pananamit lang siguro, medyo exaggerated ata ang pagiging boyish ko kaya napagkakamalan akong lesbian. siguro kung sakto lang naging casual lang din sa akin ang magpalda at mag-ribbon. hehehe

    though nag-i-skirt pa rin naman. asiwang-asiwa na ako. hahahaha

    1. nung mas bata pa ako, naa-attract ako sa mga babaeng medyo boyish ang fashion, tapos once in a blue moon, makikita ko s’yang naka-skirt, ang cute-cute tingnan hehe salamat sa pagdaan, hitokiri 🙂

  5. Editorial cartoonist ka rin pala. Di hamak na mas magaganda ang iyong mga dibuho kesa sa akin. 😀
    Anyways, naranasan ko na rin ang pagrerebeldeng ganyan sa school namin. Paano ba naman, ang higpit-higpit na nga ng gwardiya sa aming campus, nagpapa-push up pa sa mga hindi naka black shoes!! Pinagbigyan na nga namin sila sa kanilang “No I.D., No Uniform, No Entry” policy eh, pagba-“Balikatan Exercises-in” pa kami?! Watda!
    Kaya naman, nag join forces ang dalawang department sa aming college na mapatalsik si Lady Ga-guard! Signature Campaign ang aming napagkasunduan. Lumipas ang isang buwan, sa ibang college na namin siya naispatan. 🙂

  6. Ang galing mo talaga master! Anyway, salamat sa mga tips. Pero ngayon tingin ko matalino naman na ang mga kabataan, alam nila ang mangyayari. The thing is, they aren’t just afraid of the outcome. Pero pag andon na, wagas sa pagsisisi. Dun lang nakarealize.

    1. hello, rhence…salamat sa pagbisita at pag-iwan ng comment sa kabila ng busy mong preparasyon para sa thesis (tapos na ba?) pagpalain kayo sa inyong defense 😀

  7. Tama lahat naman tayo dadaan sa puntong magrerebelde ka pero sana malaman nung iba na di nila kelangan gumawa ng mga drastic na bagay para lang mahanap o makilala ng husto yung sarili nila.

    Super galing ng mga drawings. 😀

      1. wala pa akong napopost na art. siguro hindi ko lang talaga na-practice ang talent na to. nawalan din siguro ako ng hilig (sa pagpapraktis) nung iba ang napili ng school namin nung elementary para madrawing sa school paper. 😀

  8. Kung bakit may ganoong pakiramdam, ‘naghihimagsik ang kalooban. May gustong gawin pero pagbabawalan… ‘pag nagkaedad medyo matututong mag-isip (unti lang naman hihi) kaya lang pwede ring mas tumigas ang loob at lalong makipaglaban…

    Paano ba nagrebelde si froggy? Iisipin at idadaanan sa panaginip. Good nyt po!
    ^_^

  9. Maganda ang iyong mga tips. Naisip ko rin yan noon kaya ang ending ay, di na ako nagrebelde. 🙂
    I was more of a conformist. Minsan pag gusto kong magrebelde, tinatanong ko sa sarili ko, “Is it worth it?” Madali kasing ma-provoke sa mga trivial things pero when I zoom out or look at the bigger picture, I see a different perspective.

    Gusto ko tong post na to. Maganda at makabuluhan ang comic strips, like a work of a Pro. Galing!
    Magaling at napaisip na naman ako at napabulalas pero nag self-regulate na naman. 🙂

    1. salamat sa iyong comment at compliments, june…matagal na ang mga drawing na ito, n’un pang 1998 at 1999 🙂 maganda talaga yung nagzu-zoom out muna para mas makita ang kabuuan ng sitwasyon pero okay din mag-take ng calculated risks paminsan-minsan 😀

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading