Home » Ipatupad ng Maayos ang Batas

Ipatupad ng Maayos ang Batas

Nagrereklamo na ang misis ko sa mga pinagpopo-post ko kaya tatapusin ko na ang topic na ito para magbigay daan sa mas magaang mga tema 😀 Medyo nakaka-depress na nga ang topic na ito kaya ira-wrap up ko na.

**************************************************************************

May kilala akong Amerkano na naninirahan sa Japan (isang gunless society) at tinanong ko s’ya bakit maraming baril sa Amerika. Sabi n’ya ito raw ay karapatan nila at isinasaad ng kanilang konstitusyon.

Tinanong ko naman s’ya ano ang masasabi n’ya sa Japan. Safe daw dito at hindi daw dapat i-introduce ang mga baril sa lipunan ng mga Hapon.

Medyo naiintindihan ko kung bakit n’ya nasabi iyon. Iba’t ibang kultura, iba’t ibang approach. Hindi lahat ng uubra sa isang bansa ay uubra sa ibang bansa.

Guns and Abortion
armahan ba pati baby…
(blogs.post-gazette.com)

Malimit na katwiran ng mga Amerkano sa pag-aari ng baril ay…

1. hindi sagot ang gun control sa pagsugpo ng krimen
2. damihan pa lalo ang baril sa lipunan upang bumaba ang krimen
3. hindi baril ang pumapatay kundi yung taong may hawak nito
4. nakasaad sa konstitusyon ang karapatang armahan ang sarili

Pero hindi naman komo Amerkano sila eh gagayahin na lang natin lahat ng ginagawa nila kahit na sabihin pang best friend natin sila forever.

Si Robin ba eh nagsuot ng de-sungay na maskara kagaya ni Batman?
Si Ernie ba eh tumatawa kagaya ni Bert?
Si Ningning ba eh nagpagupit ng buhok kagaya nung kay Gingging?

Pwede naman yatang hindi na natin gayahin ang argumento ng mga Amerkano sa kanilang mga baril. Hindi naman sinasabi sa konstitusyon natin na may right to bear arms tayo at hindi rin naman lahat eh can afford bumili ng baril sa atin.

Merong mga gun laws ang Pilipinas, pero bakit hindi ito ipinapatupad ng maayos? “Maayos” na ang ibig sabihin eh walang pipiliing lugar, tao, sitwasyon, oras, araw o buwan kung kelan ito ipapatupad. Malaki ang maitutulong sa pagbaba ng karahasang dulot ng baril sa ating bansa kung magagawa ito ng mga awtoridad.

Mga kasalukuyang batas na umiiral patungkol sa mga baril:

Tapos may mga panukala pang dagdag na batas patungkol sa mga baril:

Tadtarin man natin ng batas ang bansa natin, wala ring mangyayari kung hindi ito maipapatupad ng maayos. Bakit hindi sila magpanukala ng batas na magpaparusa ng mabigat sa mga hindi nagpapatupad ng batas?

no to gun violence
lahat tayo ayaw sa gun violence…
(www.ctvnews.ca)

Meron ding mga gun control laws ang Singapore at Japan at mahigpit nila itong ipinapatupad kaya’t may resultang nakikita at napapakinabangan ang mga mamamayan sa mga batas na ito.

Hindi pa natatapos ang series ng posts kong ito eh may mga karahasan at kriminalidad na namang nangyari sa Pilipinas na involved ang mga baril (kahit merong umiiral na gun ban).

Magandang balita na maraming nahuli ang mga pulis sa mga lumabag ng umiiral na gun ban pero malungkot lang tanggapin na marami pa rin ang gustong sumuway at lumusot sa mga batas natin.

Para sa akin ay kelangan ng seryosong pagpapatupad at pagpapasunod sa batas ang dapat gawin para bumaba ang karahasang dulot ng mga baril sa ating bansa.

At bago ko tuluyang isara ang temang ito (sa ngayon) ay iiwanan ko lang ang mga last thoughts ko:

1. hindi man sagot ang gun control para tuluyang sugpuin ang kriminalidad, magagawa nitong paliitin ang pinsalang maaaring likhain ng mga masasamang loob

2. kelangan i-exhaust ang lahat ng paraan para huwag mapasakamay ng mga kriminal at may diperensya sa pag-iisip ang mga mapaminsalang baril o anumang sandata

3. dapat parusahan ng mabigat ang mga hindi nagpapatupad ng batas

Related Blog Posts/Articles:

12 thoughts on “Ipatupad ng Maayos ang Batas

              1. hala, biting ang cartoons mo noon, kapatid. considering na nasa province ang campus nyo. i mean, sa MM, di ako masyadong magtataka kung radical ang contents, nasa atmosphere. but for somebody doing journalism in suburban, pasaway ka nga, hehe. hello, RP… 🙂

              2. ahaha, oo nga yata, masyadong rebelde ang mga drawing ko noon 🙂 mas conservative pa rin nga sa mga paaralan sa probinsya kumpara sa maynila, ewan ko ngayon kung mas may laya na magsalita ang mga estudyante sa amin sa mga mali ng eskwela…

    1. kahit san sa pinas parang kendi lng bilhin ang illegal na baril, ang bumibili lng nun eh bad guys, kung nd iaallow ng batas ang baril sa civilian ibig sabihin iniallow lng to sa bad guys

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading