Home » Isyu ng Karahasan

Isyu ng Karahasan

Ang isyu ng kriminalidad at karahasan ay kasing laki ng isyu ng katiwalian sa ating bansa. Wala akong statistical data sa bagay na iyan pero nang ipinanganak ako sa Pilipinas ay inabutan ko na ang mga ito at nananatili pa rin magpa-hanggang ngayon.

Nitong nakalipas na selebrasyon sa pagsapit ng bagong taon nangyari ang kalunus-lunos na pagkamatay ni Stephanie Nicole mula sa stray bullet.

Bagamat taun-taon na lang may namamatay sa stray bullet tuwing sinasalubong ang pagpasok ng bagong taon, napansin ko na mas maingay ang mga tao ngayon at ang media sa pagkondena ng pangyayaring ito.

Magandang indikasyon ito na hindi pa tuluyang namamanhid ang mga mamamayan sa karahasan na nangyayari sa ating paligid. Nakadagdag pa sa panawagan ng mahigpit na gun control ang mga insidente ng pamamaril sa Cavite kamakailan.

baril at mga bala
kapag may magka-away ba, barilan na kaagad? hindi ba pwedeng sapakan muna? (wallsdl.com)

Hindi ko lang mawari kung bakit tila baga tahimik ang blogosperyo at ang maraming Pinoy Bloggers tungkol sa isyung ito.

Maraming nagpost ng kani-kaniyang opinyon tungkol sa Anti-Cybercrime Law at maging tungkol sa RH Bill (na isa ng batas ngayon) subalit hindi ko kinakikitaan ng parehong uri ng passion ang mga kapit-bloggers patungkol sa isyu ng karahasan o gun control sa ating bansa.

Naging kabi-kabila din ang mga post na pare-pareho ang topic nung pumasok sa finals si Jessica Sanchez sa American Idol, pati nung kumalat ang video ni Amalayer, at nung ma-knock out si Manny Pacquiao.

Pero nung maging maalingasngas ang usapin ng gun control recently eh halos wala akong namataang nagbo-blog ng reaksyon patungkol dito. Naiisip ko tuloy kung “taboo” ba ito sa blogosphere?

Bago lang ako sa pag-blog (9 months, baguhan pa bang matatawag iyon?) kaya hindi ko alam kung meron bang unwritten rule para huwag mag-express ng opinyon tungkol sa karahasan sa ating bansa partikular na sa mga karahasang involved ang loose firearms.

Medyo alangan tuloy akong gawing topic ito sa aking blog post. Pero bahala na. Hindi na popular na topic, kung hindi popular.

Ang post ko sa mga susunod na araw ngayong Enero ay tungkol sa usapin ng karahasan sa ating bansa, kaya patatawarin po sa mga maaaring ma-offend ng paksang ito. Express n’yo na lang po ang inyong reaksyon sa comment section or ignore n’yo na lang po ako for 1 month 🙂

Iba-iba ang opinyon natin patungkol sa karahasang dulot ng mga baril, pero naniniwala ako na napakaraming Pilipino pa rin ang pro-peace at anti-violence. Naniniwala akong lahat ng taong nasa tamang pag-iisip ay naghahangad na mabuhay ng ligtas at payapa sa Pilipinas.

Magandang pag-usapan ang isyung ito habang mainit pa dahil ilang weeks from now eh matatabunan lang ang isyung ito ng iba pang usapin. Mauungkat lang ulit kapag meron na namang kalagimang naganap.

Sana ay mas marami pang Pinoy Bloggers ang magpahayag ng kani-kanilang opinyon patungkol sa isyung ito ng karahasan sa ating bansa dulot man ng baril o karahasan in general.

Maiparinig sana natin ang ating boses sa kani-kaniya nating blog. Lahat tayo sampu ng ating mga mahal sa buhay ay potensyal na biktima ng karahasan sa ating bansa.

Nararapat lang na ipaalam natin sa madla, sa media at lalo na sa mga kinauukulan (na maaaring makabasa nito) ang katayuan, pananaw o panawagan natin para sa ligtas at hindi bayolenteng Pilipinas.

warlord politicians
(mula sa philstar.com)

Wala tayong private armies, wala tayong personal bodyguards, public transport lang ang marami sa atin. Hindi tayo nagpipirmi sa isang bullet proof na hawla. At tuwing lumalabas tayo, ang mga musmos nating anak, ang sweetheart natin, ang mga magulang natin, nae-expose tayo sa panganib ng karahasan sa Pilipinas.

Kahit nga nasa bahay lang, delikado na rin tayo sa mga panahong ito.

Ang isyu ng karahasan ay isyung umaapekto sa ating lahat at dapat nating i-pressure ang pamahalaan at lahat ng kinauukulan na gumawa ng mga hakbang para protektahan ang karapatan nating mabuhay ng ligtas at malayo sa krimen.

Sa mga hindi interesado sa topic na ito, isang taos puso pong paumanhin.

18 thoughts on “Isyu ng Karahasan

  1. This one really helps. kailangan ng mga Tao na maging aware sa kahit anong meron sa paligid nila wag sana maging mang mang . I’m only 15 y/o but I’m also aware na sa panahon ngayon di mo rin masasabi ang pwedeng mangyare anytime dapat handa.

    1. salamat sa pagbasa at pag-iiwan ng comment, Catherine. kailangan talaga nating maging handa at higit sa lahat ay maging maingat dahil kahit saan at kahit kailan eh pwede tayong maka-engkuwentro ng hindi kanais-nais.

  2. “Violence” is not the answer unless the question is “What hurts people?” ~Wala lang, naalala ko lang po, share. 🙂

    Hindi naman ako bayolenteng tao (can’t even imagine it) pero hindi natin po maikakaila na lahat tayo ay maaaring maapektuhan nito. Well, sa tingin ko naman po maiiwasan ito kapag may disiplina at open-mindedness. Wala naman pong problemang hindi nadadaan sa mabuti (mabote)ng usapan at pagdarasal. Hehe God bless po! 🙂

  3. hello, RP… baka more education pa sa culture of violence na kinalakihan na natin. at paano rin mag-spread ng culture of peace na tinatawag. to know that peace is more than what we can keep and secure for ourselves and our families, but includes the society at large… ^^

    somehow, may culture of impunity – ang tahasang pagyapak sa karapatang mabuhay ng iba. ang ibini-breed nito sa mas marami – takot, pag-iwas and indifference. kumbaga, alam na may karahasan pero, iwasan na lang. almost helpless ang pakiramdam, in the face ng ganoon kalaki at kalalang social ill… hello, happy weekend! 🙂

    1. hello ate San, parang kakailanganin pa nga ng malawakang edukasyon sa maraming tao para matutunan nating igalang ang karapatan ng isa’t isa. tama ka sa mga binanggit mo dun sa iyong post. at nakakalungkot na meron ka rin palang hindi magandang experience tungkol dito.

      yung culture of impunity natin ay kasulasulasok na…pero paano pa tuturuan yung mga edukado ng mga tao? lalo na yung mga gumagawa dapat ng mga batas para protektahan tayo? malalang social ill talaga…

      dapat ko na tapusin yung topic na ito this month…bumababa na ang aking readership haha 😀 gandang gabi…

      1. hello, RP… oo, more education para magkaroon ng more respect, siguro. a, oo, running thread ‘yon sa amin – may members na war freak, haha, at pag may gusto ay kukunin by all means. hindi iyon madali – ang turuan silang igalang ang buhay ng kasamahan at ng iba… ^^

        a, ay kasi yata, present pa rin ang guns, goons and gold dito sa atin. kahit pa formally, may recognition nang civil tayo, haha, at civil din dapat ang means para umangat, tila mas nanaig pa rin ang lumang pag-iisip at kalakaran. we have a long way to go yata…

        ahaha, bumaba talaga? sa akin naman, hindi. mas marami talaga ang lurkers lang, hihi. pero ayon, kokonti ang nag-comment – tatlo yata, hahaha. usapang buhay at paniniwala e, paanong gagawin? light topics tayo next time para di sila maubos, hakhak. ^^

        happy weekend. 🙂 cheerio!

  4. kawawa naman ang bansa natin, ang isyu ng karahasan ay hindi pa rin nawawala… sa tingin ko kaya walang tumatalakay ng ganyang paksa ay masyadong broad in a sense na marami ka pang tatalakaying ibang karahasan na nagaganap sa bansa natin.. this was a good read RP.. saludo ako sa iyo!

    1. hello pot, kawawa nga ang bansa natin at kelangan pa lagi merong mga mamatay para lang ayusin yung mga diperensya sa sistema natin. pero malawak nga ang isyu ng karahasan. kaya ifino-focus ko lang muna sa mga loose firearms ang topic 🙂 uubusin ko lang lahat ng gusto kong sabihin sa bagay na ito ngayong january bago pa ako maubusan ng mga nagbabasa hehe 😀

  5. tama RP, mula nung bumalik ako dine after New Year, puro tungkol sa “barilan” ang nasa balita… tunay na nakababahala… parang hindi na nga safe maski asa loob ka na ng bahay mo… i myself ay ayaw sa baril…. kaya nag-aral ako nlng ako self-defense hehe…

    pero sa totoo, dapat ngang pagtuunan ng lahat ng pansin ang isyung ire. dapat mga responsable at kwalipikadong tao lang ang mgkaroon, at mas maigting na pagpapatupad ng mga regulasyon at batas…

    nawa’y bawat nilalang ay matantong iisa lang ang ating buhay, napakahalaga upang masayang lang sa walang kwentang karahasan…

    #NagsasanayMagtagalog #PatawadPoSaMgaPagkakamaliHehehe 🙂

    1. hello leandra, ayos naman yung tagalog mo 🙂 yan nga ang mainit na usapin nun ding nag-holiday ako sa pilipinas. pero kung tutuusin, matagal na dapat gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan natin para hindi mangyari ang ganitong mga insidente na gawa ng loose firearms. kelangan pa lagi merong mamatay muna.

      salamat sa pagdalaw 😀

  6. Grabe ang issue sa pamamaril na yan. Hindi na kasi ako gaanong nakakanood ng balita kasi di pa sumisikat ang araw ay wala na ko sa bahay at nakakauwi na pag malalim na ang gabi pero bukas ang tenga at mata ko sa sitwasyong kinakaharap ng bansa natin sa issue tungkol sa loose firearms na yan! Nakakagimbal, hindi mo alam isang araw kabilang ka na sa mga napabilang sa insidente na yan.

    An eye-opening blogpost! Salamat dito.

  7. I don’t know the meaning of “karahasan”, but I got the gist of your post… something about gun control, right? As you very well know, this is an issue that is totally relevant here in the US. Only nutheads would think otherwise.

    1. hello ren, “karahasan” means violence and for the past weeks, i did see a lot of talks about introducing new gun control laws in the US…i cannot compare the philippines to the US especially we do not have the same law about the right to bear arms as stated in the US’s 2nd amendment (if i am not mistaken)

      i think the philippines should have a unique approach to the problem of loose firearms in our country…

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading