Home » Pamaskong Pagbati

Pamaskong Pagbati

Kah, kah, kah…may ilang oras pa ‘ko. Huli man daw ang matsing, matsing pa rin…
Heto na ang aking Pamasko’t bagong taon na post.

Sa lahat ng marangal na Pilipinong manggagawa sa loob at labas ng bansa.

Sa lahat ng magulang na nagsikap buong taon para itaguyod ang pamilya.

Sa lahat ng isinakripisyo ang sariling kaligayahan para sa iba.

Sa lahat ng kabataang may pagpapahalaga sa sakripisyo ng kanilang tagapag-aruga.

Sa lahat ng mga lingkod bayan na tunay naming maaasahan.

Sa lahat ng mamamayang nag-aambag sa pag-unlad ng ating bayan.

Hindi ka sikat.

Hindi ka guest sa mga talk show.

Hindi ang mukha mo ang nakapaskil sa mga pader.

Hindi ikaw ang laman ng entablado.

Saglit lang malimutan ang pangalan at hitsura mo.

Subalit maraming nakapagdiriwang ng Pasko dahil sa iyo.

Saan ka man naroon…

Ano man ang iyong kasarian…

Ano man ang iyong edad…

Ano man ang iyong katayuan sa buhay…

Maraming, maraming, maraming salamat.

Isa kang bayani para sa marami…alam man nila ito o hindi…

Sumaiyo ang biyaya ng ating Poong Lumikha.

Sa lahat ng marangal na bayaning Pinoy na walang mukha sa limelight…

pamaskong pagbati

Ito na po ang last post ko para this year.
Kita kita ulit tayo dito next year mga kaPinoy 😀

25 thoughts on “Pamaskong Pagbati

  1. Happy New Year ! I wonder though why I’m not getting your new posts. I’m supposed to be following you.

    Anyway, Cheers. May you have a prosperous 2013.

    1. Hi, Ren. Happy New Year and thank you for stopping by. I don’t get notifications for new posts from some people I follow, too. That’s why I have to visit several blogs manually just to see what they are up to. It must be a WP weak point that should be checked 😀

        1. hello, ate san…hapi nu yir sa iyo, tapos na officially ang bakasyon ko at bak tu d real world na ang aking byuti.

          post na lang ako ng mga pasalubong na kuwento 😀

          1. ahaha, nakauwi ka sa Pilipinas, kapatid? if yes, ang saya! na-refresh malamang ang byuti mo at nakalablab sya kay misis – ayiii 😉 asan na po ang wento? cheers! 🙂

  2. “Sa lahat ng kabataang may pagpapahalaga sa sakripisyo ng kanilang tagapag-aruga.”
    Uy kasama ko dito. Hehe. Merry Christmas! 🙂

  3. Maligayang pasko Patriot. Pakisundan naman ang aking blog at paki bisita na rin. Labing limang taong gulang pa lamang po ako at nais kong maging sikat na blogger kung bibigyan man ng pagkakataon. Matagal nakong tagasunod ng blog mo. Ang galing galing ninyo pong magsulat. 😀

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading