Site icon The Pinoy Site

Pamaskong Pagbati

Kah, kah, kah…may ilang oras pa ‘ko. Huli man daw ang matsing, matsing pa rin…
Heto na ang aking Pamasko’t bagong taon na post.

Sa lahat ng marangal na Pilipinong manggagawa sa loob at labas ng bansa.

Sa lahat ng magulang na nagsikap buong taon para itaguyod ang pamilya.

Sa lahat ng isinakripisyo ang sariling kaligayahan para sa iba.

Sa lahat ng kabataang may pagpapahalaga sa sakripisyo ng kanilang tagapag-aruga.

Sa lahat ng mga lingkod bayan na tunay naming maaasahan.

Sa lahat ng mamamayang nag-aambag sa pag-unlad ng ating bayan.

Hindi ka sikat.

Hindi ka guest sa mga talk show.

Hindi ang mukha mo ang nakapaskil sa mga pader.

Hindi ikaw ang laman ng entablado.

Saglit lang malimutan ang pangalan at hitsura mo.

Subalit maraming nakapagdiriwang ng Pasko dahil sa iyo.

Saan ka man naroon…

Ano man ang iyong kasarian…

Ano man ang iyong edad…

Ano man ang iyong katayuan sa buhay…

Maraming, maraming, maraming salamat.

Isa kang bayani para sa marami…alam man nila ito o hindi…

Sumaiyo ang biyaya ng ating Poong Lumikha.

Sa lahat ng marangal na bayaning Pinoy na walang mukha sa limelight…

Ito na po ang last post ko para this year.
Kita kita ulit tayo dito next year mga kaPinoy 😀

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version