Site icon The Pinoy Site

2012 OFW Blogger of the Year Award

Isang maagang pamasko ang aking natanggap kahapon nang mabalitaan kong napili ang inyong lingkod bilang 2012 OFW Blogger of the Year ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards.

first ever trophy sa tanang buhay ko

Hindi ko inakalang makakatanggap ng ganitong karangalan ang isang baguhang blogger na kagaya ko kung kaya’t isang masayang sorpresa ito para sa akin.

Hindi ako naka-attend sa Awards Ceremony kaya patawarin po ninyo ako sa pag-post ko ng “Thank You Speech” dito 😀

Maraming maraming salamat sa lahat ng staff, volunteers, officers na bumubuo ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Kay Mam Zyra at Mam Rose, sa pagtimbre na napunta sa spam inbox ang contest entry ko para sa PEBA.

Marami ring salamat sa mga sponsors: ang SSS Agency, sa SMART, sa Villar Foundation at sa iba pang mga sponsor ng patimpalak/organisasyon na ito. Ang cool po ng mga prizes.

Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga bumoto para sa site na ito. Special mention kay manong JKulisap at kay RodCabz na hindi ko naman pinakiusapan pero kusang ipinromote sa kanilang FB followers/friends ang site na ito.

Maraming salamat kay manong Google na naghahatid ng maraming bisita sa blog na ito. Sa mga aksidenteng napapadaan dito kahit wala dito yung talagang hinahanap nila (gaya ng pirated downloadable live action Samurai X movie) . Nakakadagdag sila ng malaki sa blog hits ko.

Taos puso akong nagpapasalamat sa mga giliw kong mambabasa na sadyang dumadalaw sa blog na ito at nagbibigay lagi ng inspirasyon para ituloy ko ang pagsusulat sa blog na ito bagamat recently eh puro kasabawan lang ng utak ang aking naipo-post (sisikapin ko pong magpakatino sa pagsusulat at pag-drawing next year 😀 )

Marami ring salamat sa aking mag-ina at sa aking mga kaanak na kinukunsinti ang pagbo-blog ko (kesa naman magpakalulong ako sa mga masasamang bisyo ‘no? 😀 )

Higit sa lahat ay nagpapasalamat ako sa ating Poong Lumikha na Siyang pinagmumulan ng, “…bawat mabuting pagbibigay at ganap na kaloob…” (James 1:17)

Mabuhay ang mga OFW, ang mga Pinoy Bloggers at ang sambayanang Pilipino!

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version