Home » Forwarded Emails

Forwarded Emails

Advanced Merry Christmas at Advanced Happy New Year!

Ang dami ng nangyari nung huli akong nakapag-post. Sumikat at lumubog si Amalayer, inireklamo at nagreklamo si Tito Sen, may tiba-tiba at may na-bankrupt sa pyramid scam at inabot na ng tatlong taon ang isang napakabagal na paglilitis.

Marami akong excuse, este, dahilan sa hindi pagpo-post ng matagal. Ilan sa mga ito ay ang Angry Birds, iFighter 45 atsaka Fruit Ninja.

Nag-reflect din ako kung ano’ng direksyon ang dapat kong tunguhin para sa blog na ‘to. Pagkatapos ng dalawang linggong pagninilay-nilay, wala pa rin akong naisip na magandang gawing matino para sa blog na ito. Naisipan ko na lang magdagdag ng isa pang category na pinamagatang Forwarded Emails.

email logo
whoever made this icon/logo, it’s very nice

Nung hindi pa uso ang social networking sites (Friendster/Facebook) eh sa e-mail nagchi-chikahan ang taumbayan.  Minsan, kahit walang maikuwento, nagfo-forward na lang ang mga tao ng akda ng ibang tao. Para lang makapag-keep in touch o makapagparamdam sa kaibigan.

Ilan sa mga forwarded emails na nagustuhan ko (hindi ko dinelete sa inbox) ang ipinost ko sa kategoryang Forwarded Emails. Mga nakakatawa at may makabayang tema lang ang ipinost ko dito. Censored na kasi yung iba, joke.

Sikat yung iba at na-publish na rin yata sa ilang libro. Kung sino man ang sumulat ng mga ito ay hindi na nabigyan ng credit (o royalty) pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakakalibang ang kanilang katha. Hindi naaksaya ang ginamit kong oras sa pagbabasa ng mga ito.

Heto ang link: Forwarded Messages

Maraming salamat sa patuloy na pagbisita sa blog na ito 😀

16 thoughts on “Forwarded Emails

  1. Naaadik ka na ser sa iPad mini! Haha.

    Naala ko din nung hs ako, nauso yang forwarded emails. Yung si Bloody Mary ang hindi ko makalimutan. 😀

    1. ahaha oo nga eh kaya nga ayaw ko ng games eh, walang nangyayari sa buhay ko 😀 pero ang bilis din kasi ng internet kaya nalulula ako sa dami ng nasu-surf ko, namamalayan ko na lang wala na akong ginawa kundi magsurf lang ng magsurf hehe pero lilipas din ito…sana

      hanapin ko yang mga bloddy mary na yan, hindi umabot sa akin yung mga ‘yun…

  2. oo nga, konti na lang yung mga nagfoforward ng mga nakakatuwa at nakakatawang e-mail.. puro kasi sa fb na makikita..
    ayun, sinimulan kong magbasa at natatawa pa rin ako dun kay Ngongo.. mo en min. hahahaha

  3. pinapaharot mo akong mag-isip. nasa mrt ako, ayon kalaro ko sila. pati ang mga patay na’y binubuhay ko. ewan ko lang kung magtutugma ang liwanag nating dalawa.

    walang kinalaman ito sa topic mo? lol

  4. Dami ko ring nareceive na ganyang emails dati pero nawala na. Buti naman at idinagdag mo. Isa yang magandang karagdagang bahagi na ipinamamahagi mo sa iyong blog. 😉

    1. hi June 😀 salamat sa pagdaan dito at pag-like nung mga forwarded posts…oo nga eh buti na-save ko pa sila, malalaos din pala yung sosyalan sa email, masyadong mahaba yung ibang message kaya hindi pwede i-share sa fb, sa mga blog na lang sila pwede ikalat ngayon.

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading