Advanced Merry Christmas at Advanced Happy New Year!
Ang dami ng nangyari nung huli akong nakapag-post. Sumikat at lumubog si Amalayer, inireklamo at nagreklamo si Tito Sen, may tiba-tiba at may na-bankrupt sa pyramid scam at inabot na ng tatlong taon ang isang napakabagal na paglilitis.
Marami akong excuse, este, dahilan sa hindi pagpo-post ng matagal. Ilan sa mga ito ay ang Angry Birds, iFighter 45 atsaka Fruit Ninja.
Nag-reflect din ako kung ano’ng direksyon ang dapat kong tunguhin para sa blog na ‘to. Pagkatapos ng dalawang linggong pagninilay-nilay, wala pa rin akong naisip na magandang gawing matino para sa blog na ito. Naisipan ko na lang magdagdag ng isa pang category na pinamagatang Forwarded Emails.

Nung hindi pa uso ang social networking sites (Friendster/Facebook) eh sa e-mail nagchi-chikahan ang taumbayan. Minsan, kahit walang maikuwento, nagfo-forward na lang ang mga tao ng akda ng ibang tao. Para lang makapag-keep in touch o makapagparamdam sa kaibigan.
Ilan sa mga forwarded emails na nagustuhan ko (hindi ko dinelete sa inbox) ang ipinost ko sa kategoryang Forwarded Emails. Mga nakakatawa at may makabayang tema lang ang ipinost ko dito. Censored na kasi yung iba, joke.
Sikat yung iba at na-publish na rin yata sa ilang libro. Kung sino man ang sumulat ng mga ito ay hindi na nabigyan ng credit (o royalty) pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakakalibang ang kanilang katha. Hindi naaksaya ang ginamit kong oras sa pagbabasa ng mga ito.
Heto ang link: Forwarded Messages
Maraming salamat sa patuloy na pagbisita sa blog na ito 😀
parang gawain ko din dati ang pag forward ng emails.. ehehehehehe guilty!
yun bang mga chained emails ang sine-send mo? nauso din yung mga yun eh 😀
ayy oo.. uso nga yan dati.. ang mga finoforward ko eh mga jokes.. ehehehehe medyo loko-loko na talaga ako dati pa.. eheheheh
Try mo naman yung Fish Fury o kaya Bad Piggies o kaya Cut the Rope. Hahaha. 😀
hello rhence, nakita ko nga ang mga games na yan fish of fury at bad piggies, mukhang nakaka-addict din hehe
Naaadik ka na ser sa iPad mini! Haha.
Naala ko din nung hs ako, nauso yang forwarded emails. Yung si Bloody Mary ang hindi ko makalimutan. 😀
ahaha oo nga eh kaya nga ayaw ko ng games eh, walang nangyayari sa buhay ko 😀 pero ang bilis din kasi ng internet kaya nalulula ako sa dami ng nasu-surf ko, namamalayan ko na lang wala na akong ginawa kundi magsurf lang ng magsurf hehe pero lilipas din ito…sana
hanapin ko yang mga bloddy mary na yan, hindi umabot sa akin yung mga ‘yun…
oo nga, konti na lang yung mga nagfoforward ng mga nakakatuwa at nakakatawang e-mail.. puro kasi sa fb na makikita..
ayun, sinimulan kong magbasa at natatawa pa rin ako dun kay Ngongo.. mo en min. hahahaha
oo nga eh, puro na lang advertisements ang dumarating sa email inbox ko ngayon, madalang na lang yung galing sa totoong tao…
haha, natawa ako ng makita ko ang logo. parang more than a year ko nang di nakikita ‘yan, aliw… good luck sa bagong category, kapatid. hello, hello 🙂
pinapaharot mo akong mag-isip. nasa mrt ako, ayon kalaro ko sila. pati ang mga patay na’y binubuhay ko. ewan ko lang kung magtutugma ang liwanag nating dalawa.
walang kinalaman ito sa topic mo? lol
wahaha, nabuhay si manong J! ang lalim pa ng comment, di maarok ng kapasidad ko 😀
Dami ko ring nareceive na ganyang emails dati pero nawala na. Buti naman at idinagdag mo. Isa yang magandang karagdagang bahagi na ipinamamahagi mo sa iyong blog. 😉
hi June 😀 salamat sa pagdaan dito at pag-like nung mga forwarded posts…oo nga eh buti na-save ko pa sila, malalaos din pala yung sosyalan sa email, masyadong mahaba yung ibang message kaya hindi pwede i-share sa fb, sa mga blog na lang sila pwede ikalat ngayon.
iyan nga ang uso dati, bumabaha ang inbox ng forwarded mails, hahahaha.
ahaha oo nga, nakaka-miss din ang email 🙂