Napakadalang kong mag-post ng tungkol sa aking sarili sa blog na ito. Dahil wala naman kasi akong maiku-kuwentong interesting tungkol sa akin. Isa pa, hindi naman tungkol sa akin ang tema ng blog na ito.
Pero para maiba ng konti, magse-share muna ako ngayon ng mga walang kwentang bagay tungkol sa akin 😉
Okay, heto na…
Hindi ako masyado mahilig sa mga gadgets. Marami sa ating mga kababayan ang tech savvy at hindi napag-iiwanan sa technology. Pero masasabi kong hindi ako isa sa kanila hehe. Ang pangunahing dahilan nito ay ang aking pagiging matipid (/makunat/kuripot).
Wala sa picture ang libre kong nakuhang 2009 model ipod at ang 2005 model low res digicam na gamit kong pam-picture 🙂 Regalo naman ng misis ko sa akin ang digital drawing pad kaya hindi ko na ito kinailangang bilhin.
Ang mga gadget ko, basta gumagana pa, hindi ko papalitan. Gusto kong sinasagad ang mga gamit hanggang sa makakaya ng kanyang kapasidad. Kahit wala na s’ya sa uso at halata na ang katandaan, basta nagagawa pa n’ya ang trabaho n’ya, hindi s’ya mapapalitan.
At ang mga gadget para sa akin ay dapat pagaanin ang buhay ko. Kung walang masyadong maitutulong sa akin, hindi ko s’ya papansinin. Kaya nga wala akong mga game consoles.
Pero ang mga nagsipagsulputang mga computer tablet ay may hatid na kakaiba at kaakit-akit na alindog sa aking mga mata. Lalo na ang mga iba’t ibang bagay na kaya nilang gawin.
Matagal ko rin pinag-isipan kung bibili ako ng computer tablet. Kasi, mukha nga silang kapaki-pakinabang, ang mahal-mahal naman ng kanilang byuti. Eh ako pa naman ay isang dakilang OFW na kumakain ng mura pero expired na pagkain makapag-remit lang regularly sa mga umaasa sa akin.
Nang malaman ko ang tungkol sa Kindle, Nexus at iPad mini, naisip kong may chance pa pala ako magkaroong ng mga tablet na ‘to. Mas mura sila ng konti dahil mas maliit sila.
Hindi ko natatandaan kung kelan ko ibinili ang sarili ko ng regalo. Hindi ko pa yata nagawa iyon sa tanang buhay ko hehe pero ayos lang. Nahihiram ko naman ang mga regalong ibinibigay ko sa mga mahal ko sa buhay haha 😀
Sa madaling sabi, bumili ako ng iPad mini. Advanced Christmas gift ko sa aking sarili. Kaya ng dumating ang package sa bahay, feeling ko eh Pasko na ngayong Nobyembre.
Pinili ko ang iPad mini dahil pamilyar na ako sa ipod. At maraming libreng apps sa Apple ang nae-enjoy ng anak ko. Mas malamang kasi na sa anak ko rin mapupunta ang gadget na ito kalaunan hahaha 😀
Anyway, narito ang mga nakita kong maganda sa iPad mini:
- mabilis na pag-access sa internet
- magandang resolution ng monitor
- magaan ang timbang
- manipis ang katawan
- malakas ang volume
- malaking sukat ng monitor screen
- mahabang battery life
Isang da best na gusto ko sa iPad mini ay ang size nito. Ang size nito ay hindi masyadong malaki at hindi masyadong maliit. Tamang tama ang sukat n’ya sa pagbabasa. At lahat ng gusto kong basahin ay nababasa ko dito. Libre pa nga kung minsan! Wuhoo!
Categories: Halu-halo
wow cool stuffs! are you a graphic designer?
salamat lapiskamay 🙂 hindi ako graphic designer, libangan ko lang ang mag-drawing 😀
hehe.. ung ipad2 ko binenta ko na.. 🙂 kasi meron na ako android phone.. pero gusto ko yan.. ipad mini.. teka ilang mega pixel ang camera nyan? i jailbreak mo para makapagdownload ka ng ibang applications. kasi kung sa itunes ka lang maghahanap konti lang pwede.. pero meron version ang adobe reader na pwede na sa ipad.. at sa tutoo lang mas masarap maglaro sa ipad kesa sa computer.. limited nga lang ang mga games..
hello binky, salamat sa pagdalaw mo ulit dito 😀 ipinagpalit mo ang ipad 2 sa android phone? baket? hindi pa ako nagkaroon ng android, maganda ba yun? 🙂 di ko alam kung ilang pixel ang resolution ng ipad mini pero mukhang mataas, nakakakuha kasi sya ng HD video.
di ako marunong mag-jailbreak at ayoko subukan dahil baka hindi ko na magamit ito kahit kelan hehe…oo meron nga akong nakitang adobe reader para sa ipad at na-install ko na 😀 at totoo nga, mas kumportable maglaro ng games sa tablet kaya nga ayoko masyado mag-download ng game apps at baka yun na lang ang atupagin ko araw-araw…
sinabi mo pa, di nga ako maka gawa ng maayos kakalaro..
ung android kasi handy, all in one.. pwede pantawag, pangtext at pwede na ding computer.. mas maliit at pwede ilagay sa bag.. madalas kasi commute lang ako. kung dala ko ipad takaw nakaw. 🙂 may mga instructions naman how to jailbreak sa you tube. (pero di ko jinailbreak ung aken hehe) ilang GB nung sau? pwede na maginstall ng movies! madami ka madidiscover na applications na ok.. madami din ang may bayad na maganda din.. check mo ung mga comment bago mo install. 🙂
Astig! Artist ka pala! Drawing naman dyan! 🙂
artis-artisan lang hehe, ang bagal-bagal ko kasi mag-drawing kaya di ako makapag-post ng marami 🙁
Galing pa din. Kaiinggit 🙂
congratulations! maganda din pala ipad mini.. ehehehehe maligayang pasko sa nobyempre RP!! ehehehehe
hello pot, merry christmas din at welcome back sa WP 😀
merry christmas!! uuwi ka ba ng pinas? o gagala ka lang sa japan? salamat sa pag welcome!! ehehehehe
uuwi ako sa pinas, may ticket na ako nun pang end of august hehe kaya lang ‘katapos na ng pasko ako makakauwi…
base sa mga komento at post mo, mukhang isang komunidad tayo ng makukunat… Buti ka nga at may Ipad Mini na… Gusto ko rin niyan,,, hahaha
Merry Christmas diyan sa Japan.. White siguro diyan ano?
merry christmas, lipadlaya 🙂 makunat, este, matipid nga ang komunidad dito sa WP hehe at magkakaroon ka rin ng ipad, ilang linggong noodles lang ang katapat n’yan hehe 😀 wala pang snow dito sa lugar ko (buti na lang) bandang feb pa siguro, pero mas ok kung wala na lang 😀
tama nga naman hanggat pwede pa wag muna palitan .hahaha
you deserve it 🙂
Merry Christmas in advance na din .hehehe
darating ang araw magkakaroon din ako niyang mga gadgets na yan. hahaha
Sana may magregalo :p
oo ganun na nga, bagotilyo, hanggat hindi nalalaspag, hindi papalitan ang gamit hehe eco-friendly na, matipid pa…speaking of matipid, ilang araw ng noodles ang kinakain ko hahaha 😀 wait ka lang at magkakaroon ka rin ng kung anu-anong gadgets 😀
parehas po tayo sir. hindi ko tatantanan ang gamit habang pwede pa. hehe!
salamat sa pagbisita dito, apollo 🙂 tama yan, pausuhin natin ang pagtitipid para hindi na uncool ang pagiging kuripot 😀
Ako naman ung gadgets ko puro PAM…pamana. Hakhak. Isa kang sentimentalist, kuya. At anong manga pala yang nasa bandang kanan, yung kulay pink. Ay manga ba yon? Hakhak. At saka magkano yung drawing pad, wow sosyal gusto ko niyan!!! hakhak. Parang computer na rin siguro yang ipad mini, kulang na lang yung mga word, spreadsheet, etc. yung pwede mong i-edit.
hi batopik 😉 mabuti ka pa nga may nagpapamana sa ‘yo eh, kung may ganun din ako eh di hindi na sana ako bibili hehe
air gear yung manga na nasa picture, buti pala at alam mong manga iyon. misis ko ang bumili nung drawing pad. pero lumang model na rin yan, nasa US$200 to US$300 yata yung mga bagong model.
yung sa ipad, wala pa akong nakitang libreng app na pwede mag-edit ng files. ang galeng nga sana kung pwede magawa yun 😀
Para po sa inyo, meron pong libreng app na pwedeng gumawa at mag-edit ng docs. “Office plus” po yata yun. nadownload ko na rin kasi sya. me spreadsheet din at word docs dun, pati powerpoint presentation. 🙂 goodluck!
salamat sa tip, bebekoh pero 2 days ko na hinahanap itong free app na ito eh hindi ko matagpuan 🙁 meron akong nakita na office app pero may bayad… baka wala ng libre huwaaah!
ganun ba? meron isa, quickoffice lite (libre lahat ng lite versions), ganun din yung office2 plus… subukan mo ulit, baka this time pwede na… isa pa, baka pwede lang itong app na ito sa iphone at ipod touch… sorry! 🙁
wala talaga eh, pero may nakita akong smart office 2 na libre kaya lang nagma-malfunction…baka nga pang-iphone lang yung office 2, di bale subukan ko pa rin manggalugad ng libreng document editor 🙂
first time ko nakabisita sa site mo at nag enjoy kaagad ako sa mga post mo, bilang isang hamak na OFW rin, keep up the good post.
hello ser kiko, maraming salamat sa pagdaan dito 🙂 ikinagagalak kong makilala ang isang kapwa OFW dito sa WP 😀
Hohoho! Merry Christmas. Ako sobrang kuripot ko rin kaya wala ako masyadong gadget, tsaka di pa ako sumasahod kaya di ko pa kayang suportahan ang luho na hanap ng katawan at mata ko. Saka na ko bibili pag graduate ko at may trabaho na. Hahaha. Di ko na muna ngayon gigipitin ang parents ko. Enough is enough. Congrats sa bagong IPAD Sir Patriot.. Witwew =)
merry christmas, beancent 😉 tama lang yan, mag-aral ka muna mabuti…walang wala din ako nung nag-aaral pa ako hehe
Tama! Tsaka kung mayaman ako, di ko talaga hilig ang gumastos para sa luho e.Hehehe =) Pero mamimiss ko raw ang buhay estudyante pag-graduate ko at nagkaroon na ng sariling work.
oo mami-miss mo nga ang buhay estudyante kapag may sarili ka ng trabaho, pero ang mami-miss mo ay ang mga kaibigan at hindi ang pag-aaral haha
masarap ang feeling ng may sariling sweldo at makatulong sa mga magulang 😀 kaya kahit hindi mo gusto ang ilang subjects (o titser) aralin mo pa rin mabuti, hindi ka magsisisi 😀
sabi ng nanay ko, mahilig daw ako sa gadgets.. actually, sa fone lang ako mahilig… sa iba, di na.
meron din akong iPod Touch, kasi kelangan ko ng ebook reader at yun lang ang afford ko nung time na yun. Ngayon ko lang naisip na sana, samsung Galaxy tab na lang pala. di ako mahilig sa games, kaya wala akong mga consoles-consoles na yan. Kung di ko sya papakinabangan, di ko sya bibilhin.
Kahit na marami akong fone (mga 5 sila), mga mumurahin lang din naman. di ako bumili ng android, di ko kelangan kung pang-internet rin lang. meron namang computer. di rin ako bumili ng iphone, me ipod touch naman na ako eh. ang nagustuhan ko sa latest fone ko, triple-sim ang feature nya. – hindi dual, triple sim. kaya yun na lang andala ko. naluma lahat ng fone ko.. hehehehe!
hello bebekoh, ang dami mo ngang celphone haha 😀 tatlo lang eh nalulula na ako sa dami, pero yung sa ‘yo lima pa pala ang lupet 😀
i have hard time giving things up. ewan ko lang kung bakit… mga luma na yung iba. Kaya naparami tuloy. 🙁 2 dyan sira na, pero ayaw ko pa bitawan.. hehehhe!
ahaha meron ka nang sentimental attachment sa mga gamit mo 😀
Waaa. I don’t have an iPad yet, but I’m planning to buy soon. Although I have all the game consoles one can find in the market, ha ha ha. I know, useless endeavor, but I’m an avid video game player.
you have all of the game consoles? really??? you mean, you have the wii, ps3 and xbox at the same time? how in the world do you find the time to play these? 😀
pasko or di pasko pag umuwi magastos pa ding umuwi sa pinas,ganun pa man, there is no place like home talaga..
tama, wala na akong mai-elaborate pa sa bagay na iyan 😀
Ahaha pare pareho pala tayong makukunat este matitipid 🙂 answerte naman ng iyong kiddos malapit nang mapasakanila ang ipad mini kelan ba ang bakasyon?
hello mcrich 🙂 sa katapusan ng december ang aking bakasyon at inire-ready ko na ang aking sarili para sa masinsinang negotiation process para sa kapalaran ng iPad mini 😀
tama yan regaluhan ang sarili paminsan minsan. at ipagdarasal ko na wag kang madaan sa pagpapacute ng anak mo para ibigay mo sakanya yan hihihi
ahaha, talagang ipagdadasal mo pa ako para mapaglabanan ang ka-cutan ng aking anak ha? hehe salamat sa pagbisita, superjaid. advance merry christmas 😀
Ganyan din yung luma kong CPU. Haha. Nanghihingalo na nga lang ngayon. Minsan ser, kelangan ding nireregaluhan ang sarili natin. Congrats sa [overrated.. piz!] na ipad mini! Early Merry Xmas sir! 😀
uy, merry christmas din gord 🙂 oo nga eh ang sarap ng feeling na regaluhan ang sarili pero ayoko masanay hehe at nagpapakita na rin ng signs ng paghihingalo ang gamit kong pc haha 😀
parehas tayo… hindi ako nagpapalit ng gamit hanggat hindi ito nasasagad. :))
mabuhay tayong mga walang pambili, este, mga eco-friendly consumers hehe 😀
wow! Merry Christmas! 🙂 ok ‘yan dapat talaga minsan nirerewardan natin ang ating sarili. 😉
hi ms warrior bride, merry christmas din hehe oo nga, ang sarap talaga mabigyan ng regalo kahit galing sa sarili…wag sana ako mawili 😀
Pagsawaan mo na yan dahil mapupunta sayo yung iPod touch at sa anak mo naman yang iPad mini… Hehe
ahaha, madadaan naman yan sa maayos na pakiusapan hehe
On December 25: “Naku! Naiwan ko sa japan yung ipad mini ko… tsk.. sayang!” Di bale next ko nalang na uwi…” hehe
buti na lang di ako uuwi sa dec 25 hehe
woot! pareho pala tayong makunat, este matipid sir! (relate ako sa murang food na near-expiry LOL) and yes proud sa ating mga antique gadgets bsta gumagana pa! 🙂 sabay tingin sa luma kong Nokia na napakatibay maski 1000x ng nalaglag ay buhay pa rin, ayos! nagkaron lang din nmn ako ng mjo latest na telepono thru free offer ng company line (free e, why not lah, hehe) pero mahal ko parin ung Nokia ko (pang roaming na ngaun).
Congrats sa yong early Christmas gift! apeee exploring the iPad mini! 🙂
ahaha, hello leandra, alalay lang sa mga near expiry na pagkain 😀 ako’y nagagalak na na proud owner ka rin ng mga antique gadgets hehe 😀