Home » Ang Iyong Karapatan sa Iyong Akda (Part 1/3)

Ang Iyong Karapatan sa Iyong Akda (Part 1/3)

Para sa mga kababayan kong bloggers, isi-share ko lang ang mga ilang bagay na natutunan ko kelan lang tungkol sa karapatan natin sa ating mga katha laban sa mga plagiarists o mapangopya.

Okay lang sa akin ikalat ang aking mga walang katuturang katha basta ang sisi ay ibabaling lagi sa akin. Ayokong may ibang tao na tatanggap ng responsibilidad sa kabulastugang ako ang may gawa. Importante sa akin ang bagay na iyon 😀

Nag-research ako kung paano maprotektahan ang sarili kong akda mula sa mga senador este, taong mahilig umangkin ng hindi kanila katha.

Binasa ko ang mga article na ito:

  1. Copyright and the Internet
  2. Prevent Content Theft
  3. Philippine Copyright Law
  4. Digital Millenium Copyright Act

Kung titingnan ninyo ang mga website na iyan, mapapansin n’yo na English lahat ng mga nilalaman nila kaya’t naubusan na naman ako ng dugo sa ilong. Isa pa, masyado silang nakakaantok basahin! Wala kasing drawing at colorful pictures.

Mula sa pagbabasa ko ng mga website na ito, nalaman ko na bumabagal na ako magbasa sa English. Nalaman ko rin na ang anumang orihinal na akda na isinulat natin ay automatic na copyrighted material na pala!

Ayon sa Philippine Copyright Law:

The aforementioned (literary and artistic works) are protected from the moment of their creation. (SECTION 172.1) Works are protected by the sole fact of their creation, irrespective of their mode or form of expression, as well as of their content, quality and purpose. (SECTION 172.1) (Sec. 2, P.D. No. 49a)

Reference: Philippine Copyright Laws – Scope of Copyright Protection

Sa eksaktong oras na natapos pala ang isang akda, komposisyon, katha, drawing etcetera, etcetera (whatever will be, will be), eh copyrighted na ito. Nasa gumawa na ang lahat ng karapatan sa kanyang ginawa.

Walang karapatan ang kahit sino (ke-sehodang si Barack Obama pa ‘yan) na kopyahin o gamitin ang isang akda kung wala ang pahintulot ng may-akda o hindi kinilala ang may-akda pagkatapos gamitin ang kanyang katha.

Kahit hindi natin isulat sa ating websayt na bawal mangopya ng akda ng walang pahintulot, automatic na itong ipinapatupad at umiiral sa lahat ng pagkakataon. Ang maaari lang kopyahin at gamitin ng walang pahintulot ay yung mga akda na nilagyan ng ganitong marka.

Pero ang mga plagiarist ay pwedeng mag-invoke ng “fair use” defense ‘pag sila ay natiklo. Ang “fair use” ay hindi karapatan. Ito’y isang excuse.  (Reference: Copyright and Fair Use)

Hindi rin tamang katwiran na komo maraming nangongopya ng gawa ng iba, eh okay lang ang plagiarism. Ang mali ay mali. Hindi na kailangang mag-gradweyt sa Harvard para intindihin ang bagay na iyon. (Eh di okay na lang din ‘wag magbayad ng buwis dahil marami namang gumagawa nun.)

Itutuloy…

28 thoughts on “Ang Iyong Karapatan sa Iyong Akda (Part 1/3)

      1. pasensya na at ngayon lang nakadalaw, palibhasa’y malapit nang abutin ng takipsilim ang buhay subalit salamat at agad sumikat ang haring araw at napagbigyan akong muling makapaglakbay sa bagong araw….

          1. opo…..di lang ang katawan ko kundi pati na rin ang bulsa,,,hehe….pero okey na ngayon….

    1. hello ser J, salamat sa iyong comment kahit napilitan ka lang, joke 😀 wala ako pasok ngayon kaya naka-reply agad. pasensya na sa tagal ng kasunod. sagabal talaga itong full time job ko sa aking cyber social life. pramis, bago umabot ang pasko lalabas na ang part 2 nito, nape-pressure na ‘ko sa sarili ko hehe

    1. alam mo kasi, jynxzzo, contrary to popular belief, ang common sense ay hindi ganun ka-common. mantakin mo ba namang bigyan pa ng katwiran yung alam na pala nilang mali (sila mismo umamin ng kinopya lang nila ang ilang portion ng speech) komedyante talaga hehe

  1. salamat sa impormasyon, na-aaply ko siya sa blog ko. 😉 yung isyu ng plagarism, respeto at sentido kumon lang naman ang kailangan. ewan ko ba kung lubhang napakahirap pairalin yun sa sistema ng ibang tao….

  2. Alam na kung sino yung senador. Haha. Di pa sya nakuntento, tinatagalize pa nya para hindi halata. Haay

    1. kawawa naman si tito sen, pakiramdam tuloy n’ya binu-bully s’ya…kapag nakakita ng magandang article ang mga staff n’ya tungkol sa cyber bullying, makikita n’yong lahat 😀

  3. Reblogged this on 25pesocupnoodles.wordpress.com:
    Magandang araw ng Setyembre, akin pong inirerekomenda na basahin ninuman ang panulat ni “the pinoy site”, ito ang isang panulat na itinuturing ko pong sa atin ay lubos na makakatulong upang mabigyan ng proteksiyon ang ating mga makabuluhang sulatin. huwag na huwag ninyo pong palalampasin. bigyan nating parangal ang pagiging masipag ni “the pinoy site” sa paghahandog ng ganitong mga sulatin.

    “alamin-alamin ang mga bagay na makakatulong sa atin”

    1. Hello Cup, salamat ulit sa pagbisita. Sure, ayus na ayos lang i-reblog, salamat din sa pag-share sa mga readers mo.

      Internationally applicable ang mga karapatan natin sa mga akda natin. Sa kasamaang palad, kahit mga ilang mambabatas eh hindi yata pamilyar sa bagay na iyon at tingin nila eh ayos lang mangopya ng mangopya ng gawa ng iba na hindi man lang nagbibigay ng credit sa source nila. Ginagawa ko pa yung continuation ng post na ito hehe. Sumasakit na mata ko sa English 😀

  4. RP, alam mo bang nais ko sanang review-hin ang terms & agreement dito sa wordpress, hahaha. Ang kaso mo, inaatake ako ng katam….. sa tuwing mamabaling ang atensyon ko sa mga magagaling na sulatin ng iba’t ibang blogger. hahaha.

    Mabuti at na-i-share mo ito sa amin, ang sipag mo naman talaga. Isa itong mas-makabuluhan pa sa mga makabuluhang paskil. welcome september.

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading