Site icon The Pinoy Site

Ang Iyong Karapatan sa Iyong Akda (Part 1/3)

Para sa mga kababayan kong bloggers, isi-share ko lang ang mga ilang bagay na natutunan ko kelan lang tungkol sa karapatan natin sa ating mga katha laban sa mga plagiarists o mapangopya.

Okay lang sa akin ikalat ang aking mga walang katuturang katha basta ang sisi ay ibabaling lagi sa akin. Ayokong may ibang tao na tatanggap ng responsibilidad sa kabulastugang ako ang may gawa. Importante sa akin ang bagay na iyon 😀

Nag-research ako kung paano maprotektahan ang sarili kong akda mula sa mga senador este, taong mahilig umangkin ng hindi kanila katha.

Binasa ko ang mga article na ito:

  1. Copyright and the Internet
  2. Prevent Content Theft
  3. Philippine Copyright Law
  4. Digital Millenium Copyright Act

Kung titingnan ninyo ang mga website na iyan, mapapansin n’yo na English lahat ng mga nilalaman nila kaya’t naubusan na naman ako ng dugo sa ilong. Isa pa, masyado silang nakakaantok basahin! Wala kasing drawing at colorful pictures.

Mula sa pagbabasa ko ng mga website na ito, nalaman ko na bumabagal na ako magbasa sa English. Nalaman ko rin na ang anumang orihinal na akda na isinulat natin ay automatic na copyrighted material na pala!

Ayon sa Philippine Copyright Law:

The aforementioned (literary and artistic works) are protected from the moment of their creation. (SECTION 172.1) Works are protected by the sole fact of their creation, irrespective of their mode or form of expression, as well as of their content, quality and purpose. (SECTION 172.1) (Sec. 2, P.D. No. 49a)

Reference: Philippine Copyright Laws – Scope of Copyright Protection

Sa eksaktong oras na natapos pala ang isang akda, komposisyon, katha, drawing etcetera, etcetera (whatever will be, will be), eh copyrighted na ito. Nasa gumawa na ang lahat ng karapatan sa kanyang ginawa.

Walang karapatan ang kahit sino (ke-sehodang si Barack Obama pa ‘yan) na kopyahin o gamitin ang isang akda kung wala ang pahintulot ng may-akda o hindi kinilala ang may-akda pagkatapos gamitin ang kanyang katha.

Kahit hindi natin isulat sa ating websayt na bawal mangopya ng akda ng walang pahintulot, automatic na itong ipinapatupad at umiiral sa lahat ng pagkakataon. Ang maaari lang kopyahin at gamitin ng walang pahintulot ay yung mga akda na nilagyan ng ganitong marka.

Pero ang mga plagiarist ay pwedeng mag-invoke ng “fair use” defense ‘pag sila ay natiklo. Ang “fair use” ay hindi karapatan. Ito’y isang excuse.  (Reference: Copyright and Fair Use)

Hindi rin tamang katwiran na komo maraming nangongopya ng gawa ng iba, eh okay lang ang plagiarism. Ang mali ay mali. Hindi na kailangang mag-gradweyt sa Harvard para intindihin ang bagay na iyon. (Eh di okay na lang din ‘wag magbayad ng buwis dahil marami namang gumagawa nun.)

Itutuloy…

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version