Home » NAIA Terminal 3 – Ito Ang Airport!

NAIA Terminal 3 – Ito Ang Airport!

Pinalad akong masilayan ang NAIA Terminal 3 kamakailan lamang sa kauna-unahang pagkakataon at ako’y nabighani. Kung ganitong airport ang makikita ng mga dayuhang bisita ng ating bansa at hindi ang lumang Terminal 1, sa tingin ko’y mae-engganyo lalo silang magbalik-balik sa Pilipinas.

Sino mang Pilipinong balikbayan ay hahanga sa airport na ito. Mag-uumapaw ang galak sa kanyang puso at mamumutawi sa kanyang mga labi ang mga katagang, “Oh my golly gee! Is this the Philippines?! It’s so fun in the Philippines na talaga ha! Super like!!!”

Narito ang mga larawang kuha sa loob ng NAIA Terminal 3

Gamit ko ang low resolution at luma kong lumang digicam. Paki-click na lang ang photo para lumaki.

October 2023 Update: Dahil pa rin sa kapabayaan, sa kasamaang palad ay kabilang pa rin ang NAIA sa Worst Airports in the World

26 thoughts on “NAIA Terminal 3 – Ito Ang Airport!

  1. hi po tanung ko lng po kong mangagagalung po kmi ng manila to bacolod my terminal fees pa po ba yon?at pwedi po bang magdala ng sabon lotion at deodorant sa handcarry.

  2. Hello po good evening
    Totoo po ba na pinagbabayad ng tax ang mga ofw sa NAIA? Kahit chocolates lang daw po na galing dito sa ibang bansa may tax at hinaharang sa airport?

    1. ang kailangan lang bayaran ng tax eh yung mga taxable goods na nakasulat dun sa BOC declaration card na ibinibigay bago lumapag sa philippine airport. yung chocolates, hindi yan taxable kung for personal consumption lang.

  3. Hi admin ask ko lang po wala po ba kaming magiging problema kung ang ticket namin ng mga friends ko ay Manila – Macau (entry) then Hong Kong – Manila (exit) .2 days Macau and 3 days Hong Kong..And okay lang po ba na guesthouse po ang pag stayan namin (airbnb) namin sia pina booked..Hope to get a response from you…Salamat in Advance. 🙂

  4. Madami na nga nabago dyan.. Dumami na ang kainan tsaka pwedeng maghatid hanggang sa loob kahit walang passport pwedeng makakapasok.. Ung ibang mga airlines dapat last year pa lumipat ng terminal katulad ng cathay at delta.. Mas malaki kasi ang lugar para sa immigration mas mabilis sana ang pagprocess ng mga pasahero unlike sa t1 na sobrang congested pag nagsabay sabay mga airlines.. 🙂 sabi ung clark aayusin na.. Dun na ililipat ng ibang malalaking airlines.. Di kasi kaya ng runway natin ung sabay sabay na dating ng salipawpaw.. 🙂

    1. hello binky, salamat sa comment.

      ngayon ko lang kasi nakita itong naia 3 kaya di ko alam kung anu-anong improvement ang nagawa. marami ngang plano sa naia 3 dati ang hindi natuloy dahil sa mga legal battles sa mga contractor pero parang naaayos na ng gobyerno kaya sana nga ilipat na ang mga foreign airlines dito.

      tapos gibain na nila yung naia 1 once and for all hehe o kaya gawin na lang domestic airport

      1. Hi Kayedee, maraming salamat sa pagde-desisyon mong maging isa sa mga nag-aaksaya ng oras sa blogsite na ito 😀

        Nagsimula na nga mag-operate ang NAIA 3 nuong 2008. Bukod sa domestic flights, may mga flights na rin s’ya papuntang Japan, Korea at Singapore pero hindi pa ito fully operational at marami pa ring planong niluluto para sa Airport na ito.

        1. walang ano man po.. hindi nman pag aaksaya nh oras ang magbasa ng mga nkakatuwa or ma impormasyong post kagay nito..

          pero sana dahil sabi mong maganda, mag operate din sila galing o papuntang malalayong lugar, kagaya ng america.

          1. by end of 2013 daw yata eh gagamitin na rin ng Delta airlines ang naia 3 (sabi ng wikipedia) kaya magkakaroon na rin ng flight papunta US kung sakali…pero dapat talaga gibain na yung terminal 1 eh hehe

  5. Super Like nga. ‘Di ko kasi nasilayan ang Terminal1 kasi diyan ako lagi dumadaan.
    Sana maayos na ang ilang paliparan natin para naman hindi na tayo number 1 sa pinaka-worst daw. Kakalungkot yon ah

    1. Ginoong JK, isang mabuting bagay para sa ‘yo ang ‘wag ng masilayan pa ang Terminal 1 dahil madi-discourage ka lang. Kung hindi pa ito tinira ng isang international critic, baka hindi na ito inasikaso kahit papaano. Sa kasamaang palad, mas marami pa ring international airline ang gumagamit ng Terminal 1 hanggang sa ngayon. Sana nga ay umayos na ang mga paliparan sa ating bansa.

  6. Hindi ko napansin yan kasi nagmamadali akong lumabas ng airport… siguro mga 15minutes lang itinagal ko sa airport na yan…. ganyan pala yan? hehehe

    1. Hello Chilled. Madaling araw na ah. Actually, kagagaling ko lang sa Pilipinas last week at kuha ‘yan nung pabalik na ‘ko sa Japan. Nag-overnight ako sa airport. December na ulit uwi ko sa Pilipinas 🙁

      1. Ay hahahahah!!!!

        Sensya na, may tinatapos ako para bukas, syempre, pag naiimbyerna, sisilip sa WP, at magcomment ng wagas 🙂

        Ikaw na! Post vacation an pala ito 🙂

        Anyway, I know you have enjoyed your stay 🙂 Syempre miss ang family incorporated!

        Ok na ok nang mag overnite jan sa airport, aliw much!

        Libre ang WIFI hihihi…

        🙂

          1. Naku yan talaga ang sakripisyo ng isang ulirang ama 🙂

            Pasasaan ba’t makakaipon din at magkakaroon ng sapat na puhunan para manatili dito sa atin…

            🙂

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading