Isang araw sa lupain ng mga wika, galit na galit na hinarap ni wikang Filipino si wikang Inggles.
Filipino: Hoy, Inggles!
Filipino: Ano ‘tong ipinagkakalat mo sa ibang mga wika na nakakahigit ka sa akin sa lahat ng larangan?! At kakaunti lang ang aking alam?!
English: Whoa! What are you so angry about?
English: I’m merely stating a fact.
Filipino: “Fact” mo mukha mo!
Filipino: Masyado kang mayabang!
Filipino: Akala mo alam mo lahat!
Filipino: Baka ‘pag binigyan kita ng mga alam kong salita eh dumanak ang dugo mula d’yan sa ilong mo!
English: You can’t possibly come up with anything that I don’t know.
English: You have absolutely nothing!
Filipino: Hambog ka talaga!
Filipino: Heto! Sabihin mo nga ito!
English: Give me your best shot.
Filipino: Si Aling Nena ay nagtampo kay Mang Pedro nang hindi s’ya binigyan ng pang-mahjong.
English: Pffft! That’s easy.
English: Mrs. Nena…
Filipino: MALI!!!
English: What’s wrong?
Filipino: Hindi ko sinabing “Ginang”, sabi ko “Aling”!
Filipino: Pa’no mo nalamang may asawa si Aling Nena?
Filipino: Malay mo kung matandang dalaga s’ya?
Filipino: Wala din akong sinabi na mag-asawa si Aling Nena at Mang Pedro.
Filipino: Wag mo sabihing, “Aling Nena” lang eh ‘di mo kaya sabihin?
English: Let me think about that, I’ll get back to you on that one.
Filipino: Eh yung “nagtampo”, alam mo ba sabihin?
English: She held ill feelings towards him.
Filipino: Ang haba naman ng sinabi mo.
Filipino: Hindi mo kaya sabihin ang salitang “nagtampo” sa isang salita lang ano?
English: . . .
English: I’m afraid I can’t.
Filipino: Eh ito, “Nagalit s’ya sa kanyang asawa.”
English: He or she got angry at his or her husband or wife.
Filipino: Ano pinagsasabi mo?
Filipino: Wala ako naintindihan.
English: I have to specify what the person’s gender is.
Filipino: Tingnan mo na?
Filipino: Ako, kaya ko itago ang kasarian ng tinutukoy kong tao.
Filipino: Ikaw, hindi mo kaya.
English: That’s not true in all cases, you know.
Filipino: Heto pa isa, “Nausog ko yata ang bata.”
English: I think I made usog the child.
Filipino: Huwag kang mandaya!
Filipino: Hindi mo rin alam ang “usog”, ano?
English: (sigh) No I don’t.
Filipino: Hindi pa ‘ko tapos.
Filipino: Sabihin mo nga ito, “Pang-ilang Pangulo ng Pilipinas si Noynoy Aquino?”
English: I know that one.
Filipino: Sige, sabihin mo.
English: Give me a minute.
Filipino: Ang tagal naman!
English: In what consecutive numbering order is Noynoy Aquino among the Presidents of the Philippines?
Filipino: Napakahaba na ng sinabi mo, hindi ko pa maintindihan.
Filipino: Para kang nagpapaliwanag ng mga batas ng kalawakan!
Filipino: Eh yung, “Pigaan mo ng kalamansi ang mantsa ng damit.”?
Filipino: Kaya mo ba sabihin ‘yun?
English: Okay, I admit, I misjudged you.
English: You do have words that I do not know.
English: You do have words that only you could express well.
English: I…am…sorry.
English: I take back every belittling words I said against you.
Filipino: Gusto ko ng public apology.
English: Hey, you can speak like me.
Filipino: Of course I can.
Filipino: What do you think of me, thinking of you?!
Magmula nuon ay iginalang na ni wikang Inggles si wikang Filipino at hindi na muling nilait pa.
Wakas