Home » Kilusan Laban sa Katiwalian (Transparency International)

Kilusan Laban sa Katiwalian (Transparency International)

Ang Transparency International ay nakabase sa Berlin, Germany. Sinimulan ito nuong 1993 ng iilang mga tao lamang subalit lumawig ito at umabot na ngayon sa mahigit 100 na mga bansa sa buong mundo (kasama ang Pilipinas). Nilalayon nito na maging malaya ang mga bansa mula sa katiwalian ng pamahalaan, negosyo, pribadong sektor ng lipunan at pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Marami na rin itong nakamit na layunin gaya ng pagkakaroon ng international anti-corruption conventions, paglitis sa mga corrupt na lider at pagpapanagot ng mga kumpanya sa kanilang mga tiwaling pamamaraan.

Sa kanilang Taunang Ulat para sa taong 2011 ay nag-iwan ang Transparency International ng mga quotable quotes na masayang i-share (lalo na sa mga pinunong halal natin). Dagdag ding kamalayan ito para sa atin.

Applicable ang mga katagang ito sa lahat ng bansa na dumadanas ng katiwalian sa pamahalaan at sa pribadong sektor ng lipunan.

1. Corruption Never Won an Election Fairly

katiwalian sa eleksyon

2. Corruption Loves to Hear Excuses

convention laban sa katiwalian
3. Corruption is Afraid of the Truth

kaalaman sa mga tao sa pamamagitan ng impormasyon
4. Corruption Doesn’t Like to Compete Fairly

patas na kumpetensya sa negosyo
5. Corruption Only Has One Business Plan

katiwalian sa mga pribadong kumpanya
6. Corruption Only Protects Itself

katiwalian sa sandatahan
7. Corruption Thinks Justice Can be Bought

katiwalian sa hudikatura
8. Corruption Picks on the Weakest

pinapahirap lalo ng katiwalian ang mga mahihirap
9. Corruption Only Serves Itself

epekto ng katiwalian sa mga pampublikong serbisyo
10. Corruption Doesn’t Think About Tomorrow

epekto ng katiwalian sa kalikasan

Naniniwala ang Transparency International na may katapusan ang pamamayagpag ng katiwalian at nakakita sila ng mas maraming partisipasyon mula sa mga may malasakit na tao sa mga nakalipas na taon.

pakiki-isa ng mga tao laban sa katiwalian

Para sa kabuuang ulat at kung paano makatulong, narito ang link: TI Annual Report 2011

2 thoughts on “Kilusan Laban sa Katiwalian (Transparency International)

  1. Mainam din itong (TI) kaagapay ng pamahalaan kung talagang susundin para mabawasan hindi man matanggal ang korapsiyon sa ating pamahalaan.

    Sabi ng isang kaibigan, saan ba dapat magsimula?

    Simple lamang ang sinabi niya. Simulan mo sa mga batang sumisibol.

    🙂 ‘Yong takdang aralin ko sayo, paki-antay po. ‘Musta?

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading