Site icon The Pinoy Site

Lahat Gagawin sa Kapakanan ng Sining

Advisory: Ang post na ito ay hindi angkop sa mga nakababatang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan. Winarningan na kayo. Wag matigas ang ulo.

—————————————————————————

Hanggang saan ang gagawin ng isang alagad “kuno” ng sining upang ipahayag ang kanyang pagiging malikhain? Nabasa ko ang isang nakakahindik na balita sa Japan Today kaninang tanghali at naalala ko ang iskandalosong art exhibit ni Medeo Cruz sa CCP nung nakaraang taon.

Heto ang unang mga bahagi ng balita:

Police are investigating whether a man who cooked his own severed genitals and served them to five paying diners committed a crime, investigators said Tuesday.

Mao Sugiyama had his pe*** and tes****** surgically removed in March and kept them frozen for two months before cooking them at a public event in May.

Diners each paid 20,000 yen for a portion.

Narito ang link sa buong balita: Police investigate man who cooked his own genitals

Sa mga ayaw mag-click sa link, heto ang summary:

Isang lalaking pintor na itinuturing ang kanyang sarili na walang kasarian, ang nagpasyang ipatanggal ang kanyang reproductive organs, itabi ito at iluto sa isang event upang magpakalat ng kamalayan tungkol sa kung anu-anong mga bagay na may kinalaman sa kasarian.

At may mga nagbayad na “customer” upang kainin ito!

Ang ka-weirduhang ito ng mga “artist” at “followers” ay walang pinipiling kasarian, edad o nasyonalidad. Excuse me, magsusuka lang ako sandali.

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version