
Hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakain ng adobo. Baboy man ‘yan o manok, importanteng makakain ang isang Pilipino ng adobo sa kanyang buhay. Kaya naisipan kong umimbita ng mag-asawang Pilipino upang ituro sa atin ang tamang paraan ng pagluluto ng masarap na adobo.
Heto na po sila, nasa ikapitong taon na ng kanilang matamis na pagsasama, ang mag-asawang si Juan at Maria. Palakpakan. Palakpakan.
Juan: Marami pong salamat sa pag-imbita sa amin dito.
Juan: Mahal, bati ka.
Maria: …
Juan: Uh, ‘andito po kami ngayon para ituro ang pagluto ng masarap na adobong manok.
Juan: Hindi n’yo na po itatanong eh isa ito sa mga paborito kong luto ng aking misis.
Juan: Hindi ba, mahal?
Maria: …
Juan: Simulan po natin sa mga sangkap.
Juan: Heto ang mga kakailanganin nating sangkap sa pagluluto.
Juan: Manok, toyo, suka, bawang, sibuyas, paminta, laurel, at pulang asukal.
Maria(pabulong): Ba’t isinama mo pa ‘ko dito?
Juan: May sinabi ka, mahal?
Maria: Bakit sinama mo pa ‘ko dito?! Bingi!
Juan(pabulong): Pinaunlakan natin yung imbitasyon sa atin, di ba?
Maria: Ikaw na lang sana mag-isa’ng pumunta, wala naman ako gagawin dito.
Juan(pabulong): Magtatalo ba tayo dito? Ang daming nakakakita, naman o.
Maria: …
Juan: Paumanhin po, kailangan po natin ng kaserola o kawali panluto ng ating adobo.
Juan: Pero bago ang lahat, hiwain muna natin ang mga bawang at sibuyas.
Maria: Hindi ba huhugasan muna?
Juan: Huhugasan pala muna natin bago hiwain.
Maria: Babalatan muna bago hugasan.
Juan: Balatan po muna bago hugasan.
Maria: Hindi mo pa inilalabas sa ref lahat ng sangkap.
Maria: Ano’ng babalatan mo?
Juan: May naka-away ka ba this week?
Juan: Masakit ba t’yan mo?
Juan: May nararamdaman ka bang kakaiba?
Maria: Wala ako sa mood.
Maria: Bilisan mo na lang d’yan.
Juan: Wala ka naman lagi sa mood eh.
Maria: Akala ko ba ayaw mong makipagtalo na marami ang nakakakita?
Juan: Inumpisahan mo eh.
Maria: Ah ganun? Inumpisahan ko kaya tatapusin mo, ganun?
Juan: Wala akong sinabing ganun.
Maria: Ang hirap sa ‘yo, nagmamagaling ka lagi.
Maria: Gusto mo lagi kang first!
Juan: Anong first?
Maria: First honor, first prize, first place, gusto mo ikaw lagi ang magaling.
Juan: First sa puso mo…
Maria: Shut up! Wala ako sa mood!
Juan: …
Maria: O ano, bakit hindi mo ituloy ‘yang ginagawa mo?
Juan: Wala na ‘kong gana.
Maria: Tumunganga na lang tayo dito.
Juan: …
Maria: …
Juan: Naaalala mo pa ba nung sinagot mo ‘ko?
Maria: …
Juan: Nasa park tayong dalawa nanonood ng mga naglalarong bata.
Maria: …
Juan: Tinanong ko sa ‘yo, “Pwede bang magtanong?”
Maria: …
Juan: Sabi mo, “Ano ‘yun?”
Maria: …
Juan: Sabi ko, “May chance ba ‘ko?”
Maria: …
Juan: Sabi mo habang nakangiti na parang nahihiya, “Meron.”
Maria: Okay na, magluto ka na.
Juan: Yung araw ding ‘yun, sinagot mo ‘ko.
Maria: Sige na nga, magluto ka na.
Juan: Wala na nga akong gana eh.
Maria: Uwi na tayo.
Juan: Ano gagawin natin sa bahay?
Maria: Matulog na lang tayo.
Juan: Okay, tara na.
————————————————————————————–
ADVISORY: Ang mga nakasulat sa itaas ay hindi totoong nangyari. Ito’y kathang isip at gawa-gawa lamang.
Haha! Ganun lang pala magluto ng Adobo? 😀
Hello Kim, ewan ko ba’t naging telenovela yung eksena nitong mag-asawang ‘to 😀
Naaliw ako….aliw na aliw hahahahahahaha
Maraming salamat. Kahit na hindi ginawa nung mag-asawa yung ipinakiusap ko sa kanila, at least may na-entertain sila hehe
ako naentertain!
sobra ang tawa ko 🙂
Kaarte nila pareho….
hmmmmm
Parang salamin 🙂
Si Mareng Maria andaming arte sa life! Har! Haha.
P.S. Adobo ang lutong Pinoy na di ko maperpekto. Beginner pa kase ko e. Hihi.
Hello Mam Addie, salamat sa pagbisita. Kahit na hindi perpekto ang adobong gawa mo, kakainin yan ng nagmamahal sa ‘yo. Sigurado ‘yun.
Ay haha. Hopefully. Thanks for the boost!