Anu-anong trabaho ba ang pwedeng pasukan para masustentuhan ang cost of decent living sa Pilipinas? Heto ang mga nagalugad ko sa internet.
1. Entry level clerical work – P10,000/month
2. Managerial position – P20,000/month pataas
3. Call Center Agent – P20,000/month pataas
4. Maging OFW – P40,000/month pataas (depende sa kumpanya)
5. Negosyo – P50,000/month pataas (depende kung successful)
6. Pangulo ng Pilipinas – P60,000/month
7. Macho Dancer – P10,000/night
8. Illegal activities – P100,000 above (depende sa uri ng illegal activity)
9. Tumaya sa Lotto – P100,000,000 (‘yun eh kung tatamaan ang jackpot)
10. Corrupt Gov’t Official – $10,000,000 or more plus properties abroad
Ang nakikita ko lang na matinong pagpipilian sa mga inilista ko ay ang numbers 1 to 5. Bagama’t hindi imposibleng magtagumpay sa ibang larangan, para sa mga matagal ng OFW na kagaya ko eh malaking risk na para sa amin ang numbers 1, 2, 3 at 5.
Sa hinaba-haba ng blog post na ito, sa pagiging OFW din pala ang bagsak ko.
Ma-review nga ulit yung expected gastusin ko every month.
References: