Wow, hindi ako makapaniwalang makaka-pull off ng ganito ang pamahalaan natin. Ang pagkaka-convict ni “former” Chief Justice ay lumikha ng bagong trend sa ating bansa.
1. Mataas man ang posisyon ng isang gov’t official, pwede pa rin s’yang ma-prosecute.
2. “Cool” na ulit ipatupad ang batas sa Pilipinas.
3. Pansariling interes man o hindi, ibibigay ng mga pulitiko ang gusto ng karamihan.
4. Hindi na mabenta ang paawa effect.
5. Baka sa ibang bansa na lang magsipag-open ng account ang mga tiwaling official.
Gumugol man tayo ng 5 buwan at 5.7 million pesos para dito, sana may makita tayong maraming positive result sa mga susunod pang araw (gaya ng pagbuti na ng kalagayan ng buhay ng maraming Pilipino).
Congratulations sa ating lahat. Kaya naman pala nating i-implement ang batas ng demokratikong pamahalaan eh.
Categories: Halu-halo
Hindi naman ako nagduda sa magiging resulta dahil umpisa pa lang marami ng nakakaalam na ayaw ni pnoy kay Cj corona, pero ano nga ba talaga ang nasa likod ng mga pangyayari?
Tanging kay sen lito lapid lang ako papapalpak at napahanga ng tuluyan kay sen chiz…
*napapalakpak
naroon nga yung parang alam na yung magiging resulta pero kasi naman sa ating pulitika, parang kahit ano pwede mangyari at kahit mali, nailulusot pa rin.
mabuti nga lang at nanaig ang katwiran ng batas sa pagkakataong ito 🙂
congratulations sa ating Senate at pati narin sa mamamayang Filipino. PNoy was in our Youth Summit Yesterday and together with the Kristiyanong Kabataan para sa Bayan Movement we prayed for justice and righteousness to prevail and God indeed is an answering God. This is how He loves our beloved country..PINOY AKO SA ISIP, SA PUSO AT SA SALITA!
Salamat sa comment, worshipwarrior. Praise God sa resulta ng impeachment trial. Isang malaking achievement para sa Pilipinas ang paghatol na ginawa ng ating senado sa dating chief justice. Nagbigay ito ng ibayong inspirasyon para sugpuin ang corruption sa lipunan natin.
tama! It’s a breakthrough actually… 🙂