Lupang Hinirang

Lupang Hinirang
Lupang Hinirang (Photo credit: Siopao Master)

Narito ang lyrics ng ating Pambansang Awit:

Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim,

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo,
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa iyo.

*******************************************

Kahulugan ng mga liriko (The Pinoy Site translation):

Bayang magiliw,
Ang bayan natin ay mapagmahal

Perlas ng Silanganan
Sa silangang bahagi ng daigdig, ang Pilipinas ay parang perlas sa dagat ang kagandahan

Alab ng puso,
Ang parang nagliliyab na “passion”

Sa dibdib mo’y buhay.
ay nananalaytay sa dugo ng mga Pilipino

Lupang Hinirang,
Ang bansa natin ay pinili (annointed land)

Duyan ka ng magiting,
Tayo ay bansa ng matatapang

Sa manlulupig,
Sa mga mananakop

Di ka pasisiil.
Hindi tayo magpapatalo

Sa dagat at bundok,
Sa mga karagatan at sa mga kabundukan

Sa simoy at sa langit mong bughaw,
Maging sa hangin at sa malawak na kalangitan
(Kahit saan ka naroon)

May dilag ang tula,
Makikita ang taglay na ganda ng mga tula

At awit sa paglayang minamahal.
Pati na ang mga awitin tungkol sa kalayaan naย gustung-gusto natin makamit

Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning,
Ang bandila natin ay makikita ng lahat at walang makakapigil sa pagwawagayway nito

Ang bituin at araw niya, kailan pa ma’y di magdidilim,
Ang mga probinsya, lalawigan, kabilang na ang mga isla ng Pilipinas ay hindi mababalot ng kasamaan.

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta,
Ang Pilipinas ay lupain ng glory at love

Buhay ay langit sa piling mo,
Parang nasa paraiso kapag nabuhay sa Pilipinas

Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Kaligayahan ng mga Pilipino na kapag merong nambu-bully sa Pilipinas

Ang mamatay ng dahil sa iyo.
Ay nakahanda kaming mamatay para sa pagtatanggol ng bansa.

Advertisements

16 thoughts on “Lupang Hinirang”

    1. “lupang hinirang” —> the chosen land (the philippines)
      “duyan ka ng magiting” —> pinanggagalingan ng mga matatapang
      “sa manlulupig” —> mga mananakop
      “di ka pasisiil” —> hindi magpapa-bully ang pilipinas

  1. Ibang klase ka talaga magblog Engr. RPโ€ฆmasarap balik balikan..kahit katago tago mo ng post hinahalungkat pa..Saan mo kinukuha ang mga post mo kung di mo mamasamain?

    1. salamat, ser man. ang dami mo palang blog hehe ang mga post ko eh kinukuha ko mula sa iba’t ibang blogs na nababasa ko, sa mga balita sa kasalukuyan, sa mga napapanood ko, sa mga post sa fb, o kaya kahit sa mga kuwentuhan lang na naririnig ko. kahit saan, may makukuhan ng idea at inspirasyon.

      ang problema ko eh makahanap ng oras na isulat lahat ang mga ito hehe ๐Ÿ™‚

  2. quote na lang din ‘to:

    “Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi,
    Ang mamatay ng dahil sa iyo.”

    sa tingin ko, bihira na lang ang may paninindigan sa linyang ‘yan.. malawak sa napakaraming dahilan.. pero bihira pa rin.. hindi natin alam.. hehehe

    1. medyo mahirap na nga sigurong makahanap ng taong maninindigan sa mga katagang iyan, pero sa panahon na may dumating na mananakop, makikita natin kung may relevance pa ang mga salitang iyan sa ating mga pilipino ๐Ÿ™‚

  3. Sa dagat at bundok,
    Sa simoy at sa langit mong bughaw,
    May dilag ang tula,
    At awit sa paglayang minamahal.

    Nais kong maliwanagan ang ibig sabihin nito. Pwede bang pakipaliwanag sa akin ang sarili mong interpretasyon? Salamat

    1. Hello ser J, pati itong tagung-tago na post eh hindi nakaligtas sa ‘yo hehe ๐Ÿ˜€

      Ang pagkaka-intindi ko sa mga linyang ito eh napakagandang tingnan ng malayang Pilipinas nasaan ka man naroon (tubig, lupa, himpapawid, o kalawakan). Parang ganun. Ano ang sa iyo ser?

    2. dagat = tubig
      bundok = lupa
      simoy = hangin = himpapawid
      langit = kalawakan

      may dilag = may alindog = kaakit-akit = maganda sa paningin
      ang tula at awit = expression ng paghahangad sa isang bagay
      paglayang minamahal = minamahal natin ang kalayaan

      ito yung naging basehan ko dun sa isa kong reply
      yung english version nya parang ganito rin ang translation

      (talagang sineryoso ang explanation eh…)

          1. puwede po bang mag tanong may assignment po kasi ako ano po ang ibig sabihin ng lahat na salita sa lupang hinirang

Leave a Reply to ResidentPatriot Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.