Anti-Political Dynasty Law? Asa Ka Pa!

Napanood ko ang napakagandang topic sa Failon Ngayon nuong October 20, 2012 tungkol sa mga Political Dynasties sa Pilipinas.

Nabanggit ni Ted Failon sa huli na bagamat merong bill na ginawa para pigilan ang paglaganap (pa lalo!) ng Political Dynasties eh matatagalan pa bago ito maisabatas dahil parang pumulot ng batong ipupukpok sa sarili nilang ulo ang mga mambabatas kapag ipinasa nila ang bill na ito.

Nasabi tuloy ni Ted Failon, “Maaaprubahan ba ang Anti-Political Dynasty Bill? Asa ka pa!” (actually, nalimutan ko na ang eksaktong mga salita, pero parang ganito :D )

political families ng pilipinas

The family that runs together, stays (in power) FOREVER

Ayon sa 1987 Constitution, Article 2, Section 26

Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang politikal ayon sa maaaring ipagkahulugan ng batas.

(Source: 1987 Konstitusyon ng Pilipinas)

Pero dahil wala pang batas na nagbibigay kahulugan sa salitang “Political Dynasty”, walang pumapansin sa artikulong ito (kundi tayo :) )

Ang House Bill No. 3413 o Anti-Political Dynasty bill na inihanda ni Cong. Teddy Casiño ay sumasaklaw mula sa Pangulo ng bansa hanggang sa Sangguniang Kabataan level. Ipinanukala ang bill nuon pang October 4, 2010 and my golly gee, 2 years na ang nakalipas, bill pa rin ito na pinagpepyestahan lang ng mga langaw.

Samantala, ang House Bill 5808 na ipinanukala nuong February 9, 2012 ay naaprubahang batas agad nitong September 12, 2012 (in 7 months!) at kilala na ngayon bilang Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).

Sa mga napanood kong interview sa tv at nabasang balita sa internet, ang mga myembro ng political dynasty ay may pare-parehong sagot:

1. Hindi kami political dynasty
(kahit buong mag-anak silang nanunungkulan sabay-sabay)

2. This is our destiny
(wala na palang free will ang tao)

3. Wala namang masama sa political dynasty
(kapag na-corner na sila)

Kung nagmukhang summary ng episode ng Failon Ngayon tungkol sa political dynasty ang post na ito, tama ka, parang ganun na nga ito :D

References:

Related Articles:

About these ads


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , ,

31 replies

  1. wala akong masyadong alam sa batas at politika pero masasabi kong mali nga naman na iisang pamilya na lang lagi ang hahawak ng mga posisyon sa gobyerno mas prone kasi ang ganung sitwasyon sa korupsyon at iba pa. hehe

    anyway, are you really willing to give me your japanese books?

    Like

    • hello, superjaid. salamat sa comment, wala rin akong masyadong alam sa batas at politika hehe :D pero kahit sino naman sa atin eh hindi bulag sa trend na nangyayari sa ating bansa lalo na sa larangan ng pulitika.

      kelangan na lang talaga, vote wisely :D hindi ko alam kung paano ko ibibigay yung japanese books, email na lang kita hehe

      Like

  2. It’s happening everywhere, even here in the US. Bush 1, Bush 2, and most probably Bush 3, the governor of Florida.

    Like

  3. hello, patriot… as far as i know, may isa pang bill na laban sa dynasty, mas matagal na at paulit-ulit na iminumungkahi. nalimutan ko ang title ng proposal pero kay Rep de Venecia ito (oo, sya mismong may anak na tatakbo) at may reputasyon bilang isang trapo, ika nga…

    ang mungkahi nya, patungkol sa pag-subsidize ng estado ng election expenses ng candidates para daw hindi dehado ang kakaunti ang pera at para makapasok sa arena ang mga bagong mukha, hindi lamang ang mga galing sa old political families… btw, hindi ito makapasa-pasa, kahit pa sobrang daming beses nang naging Speaker of the House si De Venecia.

    as far as i know, mas sturdy and mas sensical itong De Venecia proposal kaysa sa inihahain nina Rep. Casino. ewan ko lang, try going over the proposals and see…

    old boys’ club ang tawag sa philippine congress. at medyo totoo… makikita mo roon ang mag-ama, magkapatid, mag-asawang magkasunod ang terms of office, other woman (yes, meron) na serving as seat warmer habang hindi pa pwedeng tumakbo uli ang politiko at sari-sari pa… btw, ang limited circulation of the political elite ay hindi naman sa Pilipinas lang, ganyan din ang sitwasyon sa marami pang bansa…

    saka, tingnan mo, mostly ng senators natin, may kapatid, mga anak, pamangking nasa Mababang Kapulungan ng Kongreso, as in… kumbaga, naalala mo ‘yong sa Europeans na para bagang birthright ng lahi nila ang political offices? o, yun, may pagka-ganoon din sa atin…i suppose one of the reasons is because our political culture tolerates such… happy Sunday, kapatid ;)

    Like

    • hello san, maraming salamat sa napaka-informative na comment. pakiwari ko talaga eh ang dami kong matututunan kapag naka-kuwentuhan kita hehe :D

      nagko-conduct ka ba ng lecture or seminar tungkol sa mga batas ng pilipinas o tungkol sa ating konstitusyon? wala na akong panahon mag-take-up ng law kaya lecture lang ang gusto ko attendan. kung may ganito kang event, aattend ako :D

      tama ka, marami ngang bansa na ganito ang kalakaran, pero still, meron pa ring mga maunlad na bansa ang hindi ginagawang family business o hanapbuhay ang paghawak ng posisyon sa gobyerno. isa na d’yan ang japan. pero kelangan ko pa mag-research ng maayos para i-back up ang bagay na ‘yun :D

      Like

      • hello, patriot… haha, wala ‘yon. gladly, kapatid… pag alam ko at di naman illegal, immoral or fattening, sige, comment away… ibig sabihin pati, maganda ang post mo, engaging…

        ah, hindi, e… siguro yong laws that i’ve been part of sa technical group or sa bicameral group, baka kaya kong i-recall ang salient provisions. dati, may ilang institutions, ngos or groups na nag-i-invite sa ‘kin ng mga ganyan (raket, haha) pero karamihan do’n, tax-related (haha, akong si di makapasa-pasa ng math, pinagdi-discuss usually ng policies na may kinalaman sa buwis, patatawarin) ayon lang…

        ah, sa Japanese Diet, parliament… kai-kailan na rin lang yata naging professionalized and ma-prinsipyo ang politics nila, noong nasa college pa, naaral din namin ang corruptions, malpractices and malfeasance doon, ang dami rin at ang lala… yong naaral namin, ha? ^^

        pero a few years back, i had the luck of meeting sa conference ilang ministers from Japan, very impressive… ang daming alam na international issues tapos very professional ang kanilang demeanor, as in… kahit nga ‘yong political officer lang noong isa (kumbaga parang exec. assistant), parang nakakabilib na… nabano ako, hihi…

        btw, si Adel Tamano ang lecturer namin before, twice or thrice, about the Consti… ang galing nya, ang talino, makisig, gentleman at ang bango, hahaha. ang sexy pang mag-pronounce ng English, hihi… ano ‘yon, small group discussion type na usapan. iniinggit lang yata kita, haha. pwera biro, sya ang alam kong mahusay sa usapang Consti… ;)

        Like

        • haha hindi naman ako na-inggit, INGGIT na INGGIT lang :D di naman yata papayag si ginoong adel tamano na ilibre ko lang ng isang tasang kape at magkuwento na ng magkuwento ng alam nya tungkol sa ating saligang batas haha

          saan ba ako maaaring magpunta para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga lecture o seminar na ito?

          uuwi ako ngayong december at january, meron ka bang alam na event? haha talagang nagtanong :) pero kutob ko na ay wala dahil holiday season :(

          Like

          • haha, lawyer na ni Vicky Belo si Adel T, di ko alam kung pumapayag pa sya sa small group discussions na honorarium lang, haha. if he’s not running sa next election, willing syang ma-invite yata, pero s groups.

            ahaha, may experience ako, ganyan, sa starbucks lang. si Chito Gascon, first rep sa youth sector and member of the 1987 Consti Convention yata? sya na ang nagkwento sa lola mo, sya pa ang nagbayad ng kape, haha – ambait…. tapos, busy pa sya, professor ng law and active sa party nina Pnoy (that time). ang husay din noon.

            nasa starbucks kami, kwento-kwento tapos tanaw ko, nasa cravings across ang ilang cabinet member at govt advisers, kasunod nyang ka-meeting, hihi. i was really grateful that he gave me time… pag nagkakasalubong pa kami later sa mall, haha, tanda pa nya ako, ang nambwisit sa kanya, haha.

            ah, may egroups ako, may advisory sa activities na ganyan. usually, till dec 15 lang tapos, january na uli. maraming sympo and round table discussions, oo… ipo-forward ko sa ‘yo sa email, pag may nasagap ako. owki… kaway-kaway, kapatid… ;)

            Like

  4. parang magkakaroon lang ng loophole ang batas na ito kung sakaling ipagtibay ito… kawawa na naman ang pinas.. hay naku…

    Like

  5. Kasi yung iba naman hindi tumatakbo at saka kung may tatakbo man, wala sa ayos.. Mas marami din ang bumuboto sa mas kilala nila, kunyari…ah, anak to ni ganito magaling yung ama niyan. Yun na lang yung pinagbabasehan nila. Hindi na rin nga wasto ang paraan ng pagpipili natin sa mga politiko. Parang paikut-ikot lang. Siguro sa kabilang banda, lahat tayo ay may pananagutan. Ngunit, susubukan ko munang panoorin yang Failon Ngayon para mas maintindihan ko. Hakhak!

    Like

  6. Hello RP. Ito yata sa nabanggit mo sa itaas ang di malinaw sa ating batas…parang nakabitin at pwedeng maraming palusutan o pasuutan…

    “….ayon sa MAAARING ipagkahulugan ng batas.”

    Kung may responsible VOTER…..sana may responsible na mga taong gustong kumandidato…at responsableng elected officials.

    Pag naga-apply sa trabaho…napakaraming experience, requirements at criteria bago makapasok.
    Pag naga-apply sa pagiging elected official(kadalasan)…kamag-anak o anak o kapatid o asawa lang ang kailangan(syempre may malalim na bulsa)…ummmsana ay mali ako…

    Maraming SANA at DAPAT talaga sa mga ganitong usapin. Kumusta na lang dyan RP.

    Like

    • hello superlolo, bago ang lahat ay ayos ka lang sana at ang iyong pamilya d’yan. hindi ba kayo tinamaan ni sandy?

      marami pa talagang SANA at DAPAT na gawin para makakita tayo ng improvement sa hanay ng mga kandidatong pagpipilian. pero gusto ko yung ginagawa ni mr. brillantes ng comelec sa pagbabawas ng mga walang silbing party list :D

      Like

      • Hello RP. Malayo kami sa tinamaan ng Sandy. Nakaganda pa ng panahon dito sa amin. Tama ang sabi mo kasi ginagamit lang ng ibang politiko ang party list. Musta rin sa iyo dyan…siguro malamig na rin ngayon sa lugar mo. God Bless!

        Like

  7. “Walang namang masama sa Political Dynasty.” Wala nga. Sa corruption meron. =______= At yun ang dahilan kung bakit niyo ipinagpipilitan yung sarili niyo, anak at apo ninyo na tumakbo. Hindi ba? Kung maganda naman ang kalalabasan, bakit hindi?
    Ang nangyayari kasi hindi naman na maganda yung nangyayari sa bansa. At yung mga Pilipinong may tunay na magandang layunin para sa Pilipinas, walang magawa kasi hindi naman sila kilala. Tinabunan na kasi niyang angkan ninyo. Tsss.

    Okay, lumalayo na ata pinagsasasabi ko. Basta, mas maganda pa rin kung maipapasa yan. :)

    Like

  8. di naman un political dynasty, serbisyong publiko.. sino sino nga ba ang mga prominenteng politiko sa bansa? andyan ang mga aquino, marcoses, cayetano etc… ung iba nga pinapamana ang posisyon para hindi mawala. Minsan naisip ko nga din, ang mga successful na doktor na magulang kadalasan ang mga anak doktor din, ganun din kung pamliya ng mga abogado, teacher, engineer, military.. the children often look -up to their parents as models, so whatever area the parent succeeds, un ang susunduin ng anak.. tama ba? wala lang nalito lang ako… :)

    Like

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 2,847 other followers

%d bloggers like this: