Pinoy Jokes sa Kulturang Pilipino

2013 Update – Ang mga komik strip sa post na ito ay patuloy na dinadagdagan. Kaya feel free to make balik-balik.

Kung meron kang joke na gustong maisa-komik strip, please send gamit yung Kontak link. (Paunawa: Ang pagpili sa joke na gagawing komik strip ay nasa discretion ng may-ari ng blogsite na ito.)

**************************************************************************

Isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa aking pagiging Pilipino ay ang aking pagiging mahilig sa pagtawa at pagpapatawa. Gusto kong nagbabasa ng nakakatawa, nanonood ng nakakatawa at makinig ng nakakatawa.

Naaalala ko pa, mga dalawumpu’t pitong libong taon na ang nakakalipas, nung ako’y bata pa at wala pang masyadong iniintindi sa buhay (kundi ang paano lalansihin ang aking nanay para makapanood ako ng marathon ng saturday morning cartoons na hindi inaabala ng kung anu-anong utos), napakahilig ko na sa mga pinoy jokes.

Gustung-gusto kong pinapanood ang mga comedy sitcom sa tv. Gustung-gusto ko binabasa ang pinoy jokes corner ng mga babasahin. Inaabangan ko ang joke time portion ng mga variety show at programa sa radyo. Gustung-gusto ko rin makipagpalitan ng mga nakakatawang jokes sa aking mga kalaro, kamag-aral at kamag-anak.

Kung may mga nag-iipon ng tansan at goma nuong kabataan ko, ako naman ay nag-iipon ng mga nakakatawang jokes na maipagyayabang ko sa iba. Kargado lagi ako nuon ng mga bago at kakaibang jokes.

Maraming Pilipino ang mahilig sa katatawanan, makikita natin ito sa lahat ng porma ng media, mapa-radyo, dyaryo, magasin, komiks, libro, pelikula, telebisyon at ngayon ay sa internet.

Maraming pinoy jokes ang public domain, ibig sabihin, available for public consumption. Pinag-pasa-pasahan na ang mga jokes nang hindi binibigyan ng credit ang orihinal na nakaisip. Sa maraming pagkakataon, nagkaroon na rin ito ng iba’t ibang bersyon subalit walang magke-claim ng copyright. Pero may bagong joke book akong nakita na nagke-claim na kanila ang jokes na inilathala nila kahit na obvious namang matagal na panahon ng alam ng madla yung ilang mga jokes na nasa libro nila.

Ang pagiging masayahin at mahilig tumawa ng Pilipino marahil ay isa sa mga dahilan ng pagiging mababa ng suicide rate sa ating bansa sa kabila ng maraming problema ng ating lipunan. Makikita pa natin minsan na kahit nasunugan na ng bahay at lahat ng ari-arian eh nagagawa pa nung naperwisyo na ngumiti pag na-interview sa tv.

Ang pagtawa ay nakakabawas ng stress, nakakagaan ng kalooban at nakakapagpalusog sa ating puso. Kaya mga kababayan, hala sige, tawa lang! Pero ‘wag yung pang-kontrabida na tawa ha?

Narito ang ilang mga jokes na natatandaan ko pa. Ang drawings ay akin subalit ang jokes ay hindi. Kung may alam ka ring jokes, pa-share naman :) Paki-click na lang din ang drawing para lumaki at mabasa ng mas maayos ang nakasulat. Enjoy.

homemade cooking

walang tatalo sa luto na may love…

military secret

alam na…

mahinang pandinig

iba ang pinagdiskitahan…

sikreto ng pagtanda

‘wag n’yo na ikalat ‘yang sikretong ‘yan…

kamandag ng ahas

ang hirap maging ahas…

plate number

nakuha nga…

tubig dagat

ah, kaya pala…

extra service

nangatwiran pa…

kung magsasalita lang siguro ang mga gamit natin, marami silang masasabing interesting…

mahirap na talaga ‘pag sikat…

marami siguro nakaka-relate dito…

sa tingin ko magkakatuluyan ang dalawang ‘to…

pwede rin s’yang maging louis vitton o kahit ano’ng branded na bag…

pwede rin s’yang maging tablet, basketball, i-phone o kahit ano’ng gaming console…

pinauso nina tito, vic at joey…

toilet humor

kadiri talaga ‘tong mga langaw na ‘to…

About these ads

Categories: Komiks

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

23 replies »

  1. ganda ng mga jokes ha, nananatiling malinis ang pagpapahayag,,,

  2. hinahanap ko ung pugad baboy… :)

  3. ahahahahha! oo nga.. napagpasahan na ang mga jokes mula pa sa mga ninuno natin.. panalo ito RP.. i lurv it!

  4. May joke ako RP. Ano? Nagjoke na ako.

    May mga jokes na korni, minsan naman pambalda ng ngalangala. Nakadepende yan sa nagdedeliver at sa mga audience. Pero karamihan sa atin, mahilig talaga sa mga patawa. May positibong epekto naman talaga sa ating kalusugan.

    Nagets mo ‘yong joke ko?

    • hello ginoong J, napakalalim naman ng joke na ‘to, baka next year ko na makuha hehe

      hindi ko napansin sa mga banyaga ang kaparehong level ng pagkahilig nating mga pilipino sa katatawanan, nakakalungkot lang na ang comedy natin sa pelikula at sa entablado ay nangangailangan pang mag-improve ang kaledad.

      gusto mong pausuhin natin ang stand-up comedy duo sa pilipinas? hehe

  5. Nakakatuwa naman yung sinabi mo kuya. Talagangang Pinoy ay masayahin. Ako lang ang hindi! Haha biro lang. By the way, mas natawa ako sa mga sumunod na caption sa pics eh! kasi yung mga nasa pics nabasa ko na. Keep on making people smile kuya :)

  6. Sir R.P more jokes pa po,isa po kasi akung tao na mahilig din magbasa ng mga ganitong blog…sana marami kapang mapapatawa katulad ko…sana marami kapng maipopost na jokes sa blog mo,aabangan ko po yan…

  7. Ang mga post mong dahilan ng mga halakhak ko sa opisina! :D

    Heto award ko sayo:

    http://realdale.wordpress.com/2012/12/13/inspiring-and-inspired/

  8. hahahaha super nakakatawa po yong joke dito, mabuti nalang napadaan ako, Nice blog po and hope more people visisted this blog para matawa naman sila ng matindi.

  9. Natatawa ako dito sa post mo..baka pupwedeng ma reblog eto sir sa bagong blog site ko..wala kasi akong maisip na topic..pls. email me kung pwede..at nasasayo na rin kung ipopost mo etong comment ko…salamat

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 234 other followers

%d bloggers like this: